in

Santo Padre, nakalabas na ng Gemelli Hospital

Nakalabas na ang Santo Padre mula sa Gemelli Hospital kahapon March 23, araw ng Linggo, matapos ang 38 araw na pananatili doon dahil sa acute respiratory tract infection at double pneumonia.

Dumumog ang maraming tao sa Gemelli hospital grounds matapos ibalita ng Vatican ang pagnanais ng Santo Padre na magpakita sa publiko at magbigay bendisyon matapos ang Angelus prayer.

Sa kanyang paglabas sa balkonahe ng first floor ng ospital, nagpakita siya ng maaliwalas na mukha at nagbigay ng basbas sa mga nagmamahal at nananalangin para sa kanyang paggaling at nananabik na sya ay muling makita.

Kabilang sa mga nagpunta sa Gemelli hospital ay ang grupo ng mga turistang Pilipino mula sa New Jersey at mga religious. Halos mapaluha sina Sisters dahil sa tuwang nakita muli si Pope Francis. Samantala, ayon sa mga pilgrims na Pinoy, sila ay nagpunta sa Gemelli hospital ng 10:30 ng umaga sa sobrang excitement na makasama sila sa first public appearance ng Santo Padre matapos makalabas ng ospital.

Gayunpaman, ayon sa mga duktor ng Gemelli hospital, kinakailangang sumailalim si Pope Francis sa dalawang buwang pahinga at rehabilitasyon upang tuluyang makabawi. Habang siya ay nagpapagaling sa Santa Marta, pinayuhan ng mga eksperto na umiwas muna sa mga pagtitipon upang maiwasan ang muling pagkakasakit.

Sa kabila ng kanyang pisikal na kundisyon, patuloy siyang nagtrabaho habang nasa ospital, kabilang ang pag-apruba ng mga mahahalagang dekreto para sa kanonisasyon ng ilang indibidwal.

Umaasa ang buong Simbahan na muli siyang makakabalik sa kanyang regular na gawain sa lalong madaling panahon.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Mga Batang Kababaihang Pinay, Bigyang-Parangal at Protektahan

Tagumpay ng “Ang Babae”,  Alay Sa Kababaihan