in

Santo Padre, tatawaging “Pope Emeritus” o “Roman Pontiff Emeritus”

Roma – Pebrero 27, 2013 – Sa huling Angelus ng Papa noong nakaraang linggo na dinagsa ng dan-daang libong mga mananampalataya, ay sinabing magpapatuloy ang kanyang pagninilay at pananalangin at hindi lilisanin ang Simabahan bagkus ito ang magpapahintulot upang maipagpatuloy ang paglilingkod na angkop sa kanyang edad at lakas.

Samantala, si Pope Benedixt XVI matapos ang itinakdang araw ng pagbibitiw, ayon sa Vatican, ay tatawaging "Pope Emeritus" o di kaya'y "Roman Pontiff Emeritus".

Ayon sa tagapagsalita ng Vatican na si Fr. Federico Lombardi, tatawagin pa ring "His Holiness" ang nagbitiw na Santo Papa.

Sasaluduhan ng mga Swiss Guard ang Santo Padre sa San Damaso Courtyard at ihahatid sa heliport patungong Castel Gandolfo kung saan huling magpapakita sa publiko.

Vatican police na ang mangangalaga sa seguridad ng nagretirong Papa dahil ang mga nanunungkulan Papa lamang ang pinapangalagaan ng Swiss guards.

Samantala, wawasakin ang suot na fisherman's ring ni Pope Benedict XVI at matapos ay pagsusuutin ito ng ibang bishop's ring.

Paano ihahalal ang bagong Papa?

115 mga cardinals ang maghahalal ng bagong Papa sa susunod na buwan ng Marso na may edad na hindi lalampas sa 80. Samantala, maging si Cardinal Keith O'Brien na arsobispo ng St. Andrews ng Edinburgh sa Scotland ay nagbitiw rin kamakailan dahil sa kanyang edad, 74-anyos at kalusugan na nakatakda sanang magretiro sa kalagitnaan ng Marso.

Tinanggal na ang paraan ng paghalal na tinawag na "per acclamationem seu inspirationem e per compromissum", ang paraan ng paghalal ng Roman Pope at magiging “unicamente per scrutinium", o ang pagbibilang sa mga boto, tulad ng naging desisyon ni Pope John Paul II sa "Universi Dominici Gregis" na bumago sa proseso ng pagpili ng Papa.

Ngunit bago pa man tuluyang bumaba sa pwesto ay binago ni Pope Benedict XVI ang patakaran sa pagluklok ng bagong Santo Papa. Ayon sa Vatican Radio, inalis na nito ang 15 araw na palugit bago simulan ang Conclave o ang proseso ng pagpili ng bagong Papa.Ibig sabihin, sa pagbaba ni Pope Benedict XVI sa Pebrero 28 ay hindi na kailangang maghintay pa ng hanggang Marso 15 bago isagawa ang Conclave.Maaari na itong simulan sa oras na makumpleto ang mga kardinal na kasali sa botohan.Sakali namang hindi makumpleto agad ang voting cardinals, dapat na ring simulan ang Conclave 20 araw matapos mabakante ang pwesto sa pagka-pinuno ng Simbahang Katolika.Mahalaga ang pagbabagong ito sa Conclave rules upang makapagtalaga ng bagong Santo Papa bago o sa mismong araw ng Marso 17, Linggo.Ito'y para na rin magkaroon ng pinuno ang Simbahang Katolika ngayong Holy Week na magsisimula sa Marso 24.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Philippine Icons sa Italya, pinarangalan

390 € sa pagpapatala ng mga senior citizen sa SSN sa Lombardy