Inaprubahan ng EU Council ang dalawang bagong regulasyon ukol sa EU visa application: Online platform para sa mga aplikasyon at bar code with encripted signature sa halip na visa sticker na idinidikit sa pasaporte.
Ipinagtibay kamakailan ng EU Council ang mga bagong panuntunan na magpapahintulot sa pag-aaplay ng entry visa online sa mga nagbabalak na magpunta o magbakasyon sa 27 Schengen countries.
Ang pangunahing pagbabago:
- Ang pagkakaroon ng EU platform para sa mga visa application. Bagaman may ilang exemptions, ang mga aplikasyon ng Schengen visa ay isusumite sa pamamagitan ng platform na ito. Sa platform, maaaring ilagay ng mga visa applicants ang lahat ng mga kinakailangang datas, i-upload ang electronic copies ng mga travel documents at mga supporting documents at bayaran ang visa fee;
- Gagawing hindi na mandatory ang personal appearance sa Embassy/Consulate. Ito ay kakailanganin lamang sa mga first time applicants, para sa mga taong wala nang bisa ang biometric data at para sa mga taong may bagong travel document;
- Papalitan na ang kasalukuyang visa sticker ng isang cryptographically signed barcode.
Pagkatapos ng lagda, ang mga nabanggit ay ilalathala sa Official Gazette at magkakabisa sa ika-20 araw matapos ang publikasyon. Samantala, ang petsa ng pagpapatupad ay pagpapasyahan matapos ang technical works ng platform.