in

Schengen Short-Stay Visa, may mga pagbabago sa regulasyon

Ang mga mamamayan mula sa 105 non-EU countries ay nangangailangan ng entry visa sa paglalakbay sa Europa. 

Ang mga aplikante mula sa mga bansang ito ng tourist o business short-stay visa, o pananatili hanggang 90 araw ng 180 days, sa 26 bansa ng Schengen area ay mayroong pagbabago sa regulasyon ayon sa EU Visa Rules. 

At sa pagpasok ng 2020, mula Feb 2, sa pag-iisyu ng mga nabanggit na short-stay visa, tulad ng nabanggit, ay nagkaroon ng pagbabago. 

Kabilang dito ang mga sumusunod:

–         Mula € 60 ay tumaas ito sa € 80. Ang karagdagang halaga ay inaasahang magpapahusay sa online system pati sa pagpapahusay ng serbisyo ng mga Consulates. Gayupaman, mananatiling mas mababa ang halaga nito para sa mga menor de edad samantalang nananatiling walng bayad ang mga mas bata sa 6 na taong gulang, mga mag-aaral at manananaliksik;

–         Ang mga aplikasyon ay maaaring isumite mula 6 na buwan (noon ay 3 buwan lamang) hanggang 15 araw bago ang paglalakbay. 

– Sa mga bansang walang konsulado sa Europa, ay maaaring ipadala ang aplikasyon online (at hindi na paper application) mula sa country of origin ng traveler;

– Ang mga frequent travelers, at samakatwid ay may ‘positive history’ o ang mga traveler na sinunod ang validity ng visa, ay maaaring mabigyan ng multiple-entry visa, na may validity mula 1 hanggang 5 taon; 

– ang proseso sa pagsusuri ng mga aplikasyon ay magiging mas mahigpit o mas magaan batay sa maraming bagay tulad ng panahon ng validity ng visa, halaga nito o anumang exemption, batay sa kolaborasyon ng country of origin ng traveler sa EU partikular sa tema ng repatriation o readmmission ng mga undocumented. 

Sa kasalukuyan ay may 26 countries ang Schengen area: Austria, Belgium, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Italy, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Malta, the Netherlands, Poland, Portugal, Slovakia, Slovenia, Spain, Sweden, Iceland, Liechtenstein, Norway at Switzerland

Sa taong 2018 ay umabot sa 14M ang inisyu na entry visa. (ulat ni: PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mabini and Friends at Mindoreñans Group of Florence, bumida sa Danze e Spettacoli dal Mondo

Decreti di Sicurezza, tatanggalin!