in

School Year 2020-2021 sa Italya, handa na ba?

Bagong dekreto anti-Covid19 simula April 3, ang nilalaman

Bagaman nananatiling maraming mga katanungan at agam-agam, nagsimula na ang countdown sa pagsisimula ng School Year 2020-2021 sa Italya. Ang mga paaralan sa bansa ay inaasahang magbubukas ng September 1, at ang klase ay magsisimula naman sa September 14. Ang opisyal na seremonya ng bagong School Year ay pangungunahan ni presidente Sergio Matarella, sa Sept 14 sa Vo’ Euganeo sa Veneto, kasama ang Minister of Education, Lucia Azzolina.  

Nananatiling hindi pa malinaw kung paano ang gagawing pagsisimula ng School Year at ang paghaharap ngayong araw, August 26, ng Gobyerno at ng mga Rehiyon ay inaasahang magbibigay ng linaw para sa School Year 2020-2021 sa Italya.

Narito ang mga dapat malaman sa kasalukuyan.

Mainit na diskusyon sa kasalukuyan ang transportasyon ng mga mag-aaral. Pinapahintulutan umano ang maximum capacity ng school bus hanggang 15 minutes na biyahe lamang.  Ukol sa measurement ng body temperature ng mga mag-aaral, para sa CTS o Centro Tecnico Scientifico ang body temperature ay dapat umanong kunin sa kani-kanilang tahanan bago lumabas ng bahay. Gayunpaman, mayroong mga rehiyon na maaaring gawin sa paaralan mismo ang measurement ng body temperature tulad ng Campania.

Gagamit ang mga mag-aaral ng mask sa klase kung saan hindi posible ang social distancing ng 1 metro. Ang CTS ay inaasahang magbibigay ng desisyon ukol dito. Gayunpaman, ang mga mag-aaral na mas bata sa 6 na taon ay hindi gagamit ng mask.

Sa Roma, ay inilabas na ang dokumento ng Task Forse Scuola Capitolina, ang measurement ng body temperature ng mga bata, magulang, teachers at mga operators ay gagawin mismo sa mga Nursery (A. Nidi) at Kinder Garden (Scuola d’Infanzia o Materna) .

Ang mensa o tanghalian ng mga bata sa mga paaralan  ay sigurado ngunit bawat klase ay magkakaroon ng kanya-kanyang turno.

Ang mga bagong school desk, na ginawa ng 11 kumpanya (7 italian at 4 na foreign companies) ay inaasahang darating ang unang batch sa pagsisimula ng mga klase at ang ikalawang batch naman sa Oktubre, sa mga lugar kung saan mataas ang bilang ng mga positibo.

Sinimulan na ring sumailalim sa anti-body test (sierologico) ang mga staff ng mga paaralan sa Lazio at Toscana regions. Ang test ay optional at hindi obligatory.

Ang ISS o Istituto Superiore di Sanità ay gumawa rin ng isang dokumento na nagtataglay ng mga regulasyon sakaling magkaroon ng cluster o focolai sa mga paaralan. Hindi sapat ang isang kaso upang isara ang paaralan. Susuriin ng ASL kung kinakailangang isailalim sa quarantine ang buong klase at ang mga teachers at staff na nag-asiste sa mga mag-aaral sa huling 48 na oras. Sa bawat paaralan ay magkakaroon ng isang Covid point person, na magiging katuwang ng ASL para sa mga impormasyon at indikasyon na dapat gawin. Sa point person ay ire-report din ang mga mag-aaral na symptomatic. At tungkulin din ng point person ang kontrolin ang absences sa bawat klase, partikular ang mataas na bilang ng mga lumiliban na mag-aaral o  40% ng klase. (PGA)

Basahin din:

Online Class, bagong normal na pag-aaral ng mga kabataan

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Online Class, ang bagong normal na pag-aaral ng mga kabataan

International Dog Day, ginaganap tuwing August 26