in

SEASONAL JOB, pagpapadala ng aplikasyon on line, uumpisahan na!

PILIPINAS kabilang sa mga bansang pagmumulan ng animnapung libong seasonal worker.

Lahat ay naghahanda nà sa pagpapadala ng aplikasyon para sa seasonal job, maaaring sa agrikultura o sa turismo. Ang dekreto ay nagpapahintulot sa 60,000 bagong darating na mga manggagawang dayuhan at magiging opisyal sa Lunes ika-21 Marso sa paglalathala nito sa Gazzetta Ufficiale, at mula ika-22 ng Marso Martes, ay maaari ng isumite ang mga aplikasyon upang makapasok bilang seasonal worker sa Italya.

Ang bilang na itinakda ng gobyerno ay higit sa sapat upang matugunan ang lahat ng mga aplikasyong inaasahang ipapadala on line. Ang mga farms, restaurants at hotel ay isinasa-alang alang na ang pagitan ay halos isang buwan mula sa pagsusumite ng aplikasyon at sa pagdating ng mga manggagawa sa Italya. Kaya’t sa mga madaliang pangangailangan, nararapat pa rin ang magmadali.

Ang mga aplikasyon ay ipapadala pa rin online sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior, at posible ng ihanda o i-fill up ang mga ito at ipadala na lamang sa tamang panahon. Sa sinumang di pamilyar sa pagamit ng computer ay maaaring lumapit sa mga job consultant at mga asosasyon upang magpatulong na punan at ipadala ang aplikasyon.

Ang mga seasonal worker ay maaaring magmula sa mga sumusunod na bansa: Serbia, Montenegro, Bosnia-Herzegovina, Republika ng Macedonia, Republika ng Pilipinas, Kosovo, Croatia, Indya, Ghana, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Ukraine, Gambia, Niger, Nigeria, Tunisia , Albania, Morocco, Moldova at Egypt.

Sa aplikasyon ay maaari ring hilingin ang multi-entry clearance. Sa ganitong paraan, ang mga kompanya ay maaaring makakuha ng parehong manggagawa sa loob ng ilang sunod sunod na taon na may simple at mabilis na pamamaraan nang hindi na maghihintay sa pamahalaan ng pahintulutan o ng panibagong dekreto.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MAGSASAKA – Hari ng kabukiran, Bayani ng bayan

Krusipiho sa mga silid-aralan, Italya abswelto!