in

Selection para sa Servizio Civile Universale, deadline sa January 26, 2022

Bagong proyekto para sa selection ng mga volunteers ng Servizio Civile Universale (SCU) sa Italya at sa ibang bansa. May kabuuang 2,818 ang mga proyekto para sa kabuuang bilang ng 56,205 mga boluntaryo, para sa taong 2022

Ang bilang ng mga volunteers at proyekto

  • 54,181 volunteers para sa mga 2,541 national projects sa bansa, 
  • 980 volunteers para sa 170 international projects sa ibang bansa. 
  • 37 volunteers para sa 4 projects ng Garanzia Giovani.
  • 1,007 volunteers para sa 103 Servizio civile digitale projects.

Ang selection ay bukas sa mga may edad mula 18 hanggang 28 anyos. Mgakabataang Italians, Europeans at mga dayuhan na may regular na permit to stay ay maaaring mag-aplay para sa nabanggit na 2,818 projects sa loob at labas ng bansa.

 Ang mga proyekto ay magtatagal mula 8 hanggang 12 buwan, hanggang 25 hrs weekly. Tatanggap ng € 444,13 kada buwan ang mga papalaring volunteers na makakabilang sa mga proyekto sa Italya.

Paan mag-aaplay?

Una sa lahat ay alamin ang nais na proyekto. Ang listahan ng mga proyekto ng SCU sa Italya at labas ng bansa ay matatagpuan sa official website nito.  

Ipinapaalala na ang aplikasyon ng mga aspiring volunteers ay esklusibong ipapadala sa pamamagitan ng DOL (Domanda on Line) platform hanggang 2pm ng January 26, 2022. Ito ay sa pamamagitan ng link na ito. https://domandaonline.serviziocivile.it/, gamit ang SPID

Ngayong taon, upang maging mas madali ang paglahok ng mga kabataan at ang mapalapit sila sa mundo ng serbisyo sibil, ay ginawang mas simple, direkta at friendly ang angkop na website – www.scelgoilserviziocivile.gov.it – upang matulungan ang mga kabataang maayos na makapamili at magabayan sa pamamagitan ng mga impormasyon dito. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Basic Green pass sa mga hair salon simula January 20

Covid19 sa Italya, record sa loob ng 7 araw