Mula Enero 1, ang mga tanggapang publiko ay nararapat na magkaroon ng mga impormasyong kanilang pag-aari. Hindi na kailangang ilakip sa dokumentasyon ang mga certificates at sapat na ang isang deklarasyon at kopya ng dokumento.
Rome – Enero 5, 2012 – Mula sa 1 Enero 2012, salamat sa Batas ng Nobyembre 12, 2011, bilang 183 na inamyendahan ang DPR 445/2000 ukol sa pagpapatupad ng mga bagong batas sa self-certification (autocertificazione).
Ang mga mamamayan ay hindi na kailangang pumila sa mga tanggapang publiko upang humiling ng mga sertipiko ng tulad ng family composition (stato di famiglia), residence certificate (residenza), civil status at iba pa, kung ang mga nabanggit na sertipiko ay hinihingi ng mga tanggapang publiko tulad ng Prefetture, Questure, Inps, Motorizzazione, Tribunali, Università, ecc. o da gestori di servizi pubblici (Poste, aziende di trasporto, ecc.). Ang mga bagong patakaran ay nagsasabing ang Public Administration ay dapat na magkaroon rin ng mga dokumentasyong kanilang mga pag-aari.
Ang mga tanggapang publiko mismo, sa pamamagitan ng internal contact sa iba’t ibang mga tanggapan, ang hihiling ng kopya ng mga sertipikasyong kinakailangan ng mga mamamayan. Ang mga mamamayan, sa kabilang banda, ay maaaring gumawa ng self certification ng mga sertipikasyong hinihingi, kalakip ang mga kopya ng dokumento.
Nananatiling isang obligasyon ang mga certificate sa mga private offices, halimbawa sa mga financial institutions at mga bangko para sa housing loan o sa real estate agent kapag bibili o uupa ng ari-arian.
Ang mga bagong panuntunan ay para rin sa mga dayuhan at ipinaaala na ito ay para lamang sa mga sertipikasyon na matatagpuan sa rehistro ng public administration ng Italya at samakatuwid ay maaaring madaling maverify.
Ang mga Questura, halimbawa, sa renewal ng permit to stay, ay maaaring hindi na mangailangan ng sertipiko ng tirahan o ng family composition. Kaya kahit na ang Prefecture sa aplikasyon para sa citizenship, o ang INPS para sa request ng mga benepisyo. Gayunpaman ay kinakailangan pa rin ang mga certificate ng police clearance para sa paghiling ng EU long term residence permit o carta di soggiorno o ang deklarasyon ng value ng degree buhat sa ibang bansa para sa pagpapatala sa unibersidad .