in

Serbia, Montenegro at Kosovo, may travel ban na din sa Italya

May travel ban na din sa Italya ang mga bansang Serbia, Montenegro at Kosovo

Ito ay matapos pirmahan ni italian health minister Roberto Speranza ngayong umaga ang isang bagong ordinansa na nagsasaad na ang Serbia, Montenegro at Kosovo ay itinuturing ng Italya na high-risk covid countries.

Ang sinumang, sa huling 14 na araw, ay nasa mga bansang huling nabanggit ay pinagbabawalang pumasok sa bansang Italya. Ang buong mundo ay kasalukuyang nasa pinaka-mabigat na bahagi ng pandemya. Kinakailangan ang matinding pag-iingat upang maproteksyunan ang naging pagsusumikap ng lahat”. 

Ang ordinansa ay nagbabawal sa mga flights, treno at lahat ng uri ng transportasyon mula at papunta sa Serbia, Montenegro at Kosovo. 

Umakyat na sa 16 ang mga bansang pansamantalang hindi makakapasok sa Italya dahil sa banta ng covid19: Armenia, Bahrain, Bangladesh, Brazil, Bosnia and Herzegovina, Chile, Kuwait, North Macedonia, Moldova, Oman, Panama, Peru, Dominican Republic at bilang karagdagan ang Serbia, Montenegro at Kosovo. (PGA)

Basahin din: Italya, nagsasara sa 13 bansa dahil sa Covid19

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Budol-Budol, snatching, panloloko at iba pa, babala at pag-iingat para sa lahat

Halaga ng Assegno per il Nucleo Familiare 2020-2021