in

Servizio Civile Universale, aplikasyon hanggang February 20, 2023

Magpapatuloy hanggang February 20, 2023 ang selection sa 71,550 volunteers para sa Servizio Civile Universale para sa taong 2023-2024 para sa Italya at para sa ibang bansa. 

Ang anunsyo para sa selection ay inilathala sa website ng Department for Youth Policies and Universal Civil Service at ang aplikasyon ay maaaring ipadala sa https://domandaonline.serviziocivile.it, gamit ang SPID o digital identity. Ang deadline sa pagsa-submit ng mga aplikasyon ay hanggang 2:00 pm sa February 20, 2023. 

Ang mga mapipiling boluntaryo para sa Italya, may kabuuang bilang na 70,358, at sa ibang bansa, na may bilang na 1,192, ay magta-trabaho para sa mga proyekto na tatagal mula 8 hanggang 12 buwan, 
katumbas ng 25 oras sa isang linggo o ng itinakdang oras bawat taon – mula 1,145 oras para sa 12-buwang proyekto at 765 oras para sa 8-buwang proyekto, mula lima (5) hanggang anim (6) na araw na trabaho sa isang linggo. Ang buwanang allowance para sa serbisyo ay € 444.30.

Ito ay isang pagkakataon para sa mga kabataang dayuhan o mula sa pamilya ng mga dayuhan, mula18 hanggang 28 anyos at walang criminal record. Hindi requirement ang pagkakaroon ng italian citizenship at sapat na ang pagkakaroon ng regular na permesso di soggiorno. 

Para sa karagdagang impormasyon,  bisitahin ang website https://domandaonline.serviziocivile.it

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Decreto Flussi: Ihanda ang mga aplikasyon, narito ang mga forms

Passport stamps sa Europa, magiging digital na!