in

‘Shaboo’ o ‘ice’, patuloy ang pag-ikot sa Italya.

Patuloy pa rin ang pag-aresto sa mga Filipino dahil sa pagbebenta ng ‘shaboo’ o ‘ice’ dito sa Italya.

altNoong nakaraang 31 ng Marso,  isang  pamilya ang inaresto sa Milano dahil diumano sa pagbebenta ng tnatawag na ‘bato’.  Sa kanilang tahanan sa Viale Monza ay natagpuan ang 70 gms ng nasabing drugs. Ang amang Pinoy , 49 taong gulang, ang nangangalaga ng accounts sa Pilipinas at sa ibang bahagi ng Asya; ang ina, 46 taong gulang, na syang nangangalaga sa pagpapa-ikot sa iba pang mga Pinay at nagtatago ng shaboo; at ang anak  na binata, 25 taong gulang na sya namang nagbebenta sa mga kabataan.

Samantala, noong nakaraang linggo, dalawang Filipino muli ang inaresto sa Cisterna Latina sa parehong kadahilanan. Ang isa sa kanila ay may order of deportation noong nakaraang 2008 mula sa Questura ng Lecce.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Visita Iglesia online, hatid ng CBCP para din sa mga OFWs

Fini – Napakatagal ng labinwalong taon para maging citizen!