in

Siberian weather, inaasahang mananatili sa bansa hanggang sa susunod na weekend

Magpapatuloy, ayon sa forecast, ang Siberian weather at samakatwid ang patuloy na malamig na panahon at pag-ulan ng snow sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw hanggang sa susunod na weekend.

 

Sa katunayan, kahapon tulad ng unang inanunsyo, sa Roma ay tumaas hanggang sa 20 cm ang snow. Nabalot ng makapal na puting snow ang Eternal City na hinintay ng marami makalipas ang anim na taon. Isinara ang mga paaralan sa lahat ng antas ngunit naging garantisado naman ang public transportation bagaman naging sanhi ng ‘delay’ ng maraming train mula sa Roma. 

Pati na rin sa South Italy, partikular sa Napoli ay nagkaroon din ng snow fall hanggang kaninang umaga. 

Isang sitwasyon na sa maraming lungsod tulad ng Cuneo, Gubbio, Ancona at Termoli ay naging sanhi rin ng pagsasara ng mga paaralan sa lahat ng antas sa mga araw ng Feb 26 at 27. 

Kahit sa Milan, Torino, Abruzzo at Umbria ay umulan din ng snow. 

Gayunpaman, ayon sa weather forecast, bukas Feb 28 ay maganda ang panahon sa ilang rehiyon sa North Italy, maliban sa Piemonte, Liguria at ilang Adriatic regions kung saan inaasahan muli ang pag-ulan ng snow. 

Samantala, magiging maulap naman naman sa Central at South Italy at magkakaroon muli ng bahagyang snowfall sa umaga sa Calabria. 

Sa kabila ng inaasahang magandang panahon ay magpapatuloy ang lamig at marahil ang pagbabalik ng snow warning sa Huwebes, March 1. 

Ang Siberian weather ay inaasahang mananatili sa bansa hanggang sa susunod na weekend, at pagkatapos nito ay ang pagdating na ng Spring.

Ipinapayo ang manatiling nakatutok sa mga balita para sa mga susunod na kaganapan at sa muling pagbubukas ng mga paaralan. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong bonus para sa mga pamilya at mas mababang gastusin ng employers sa domestic job, bahagi ng programa ng PD

Imigrasyon, isang armas sa nalalapit na eleksyon