in

Sicilia at Sardegna, red code na sa Europa

Habang nananatiling zona bianca ang buong Italya, para sa Europa sa inilathalang updated epidemiological map ng European Center for Disease Prevention and Control o ECDC, ang Italya ay nahahati sa tatlong kulay o code batay sa iniulat na dami ng mga kaso ng Covdi19 sa lugar. 

Ang Sicily at Sardegna ay red code na at ito ay nangangahulugan na mayroong naitalang mula 200 hanggang 500 kaso ng Covid19 sa bawat 100,000 residente. Samantala,  nasa ilalim naman ng green code ang mga rehiyon ng Abruzzo, Molise, Puglia, Basilicata, Valle d’Aosta at Piemonte na nangangahulugan na low risk at may naitalang mas mababa sa 75 kaso ng Covid19 sa bawat 100,000 residente. Ang mga hindi nabanggitna rehiyon, na kumakatawan sa malaking bahagi ng bansa ay nasa orange code na nangangahulugan na may naitalang mula 75 hanggang 200 kaso ng Covid19 sa bawat 100,000 residente. 

Halos buong Spain ay may dark red code. Ito ay nangangahulugan na nagtala ng higit 500 kaso ng Covid19 sa bawat 100,000 residente. Dark red code din ang malaking bahagi ng Holland, Cyprus at Corsica.  Samantala, ang France at Greece naman ay red code, katulad ng Ireland at Portugal. Samantala kalahati ng Denmark ay nasa ilalim din ng red code

Sa kasalukuyan, green-coded ang mga bansang Germany, Austria, Poland at lahat ng mga bansa sa East Europe, pati rin ang Sweden, Finland at Norway

Ang updated map ng ECDC ay batay sa rate ng bagong bilang ng mga kaso sa 14 na araw sa bawat 100,000 residente at positivity rate batay sa mga test. Ito ay nagsisilbing sanggunian ng mga State Members ng EU para sa anumang desisyon ng restriksyon sa pagbibiyahe

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako Ay Pilipino

Bakuna kontra Covid19 sa domestic job, inirerekumenda bilang requirement

Assegno Unico, matatanggap din ba ng mga benepisyaryo ng Reddito di Cittadinanza?