in

Sicilia, mandatory na ulit ang mask sa outdoor

Simula ngayong araw, Nov 18, 2021 ay mandatory na ulit ang pagsusuot ng mask sa Sicilia hindi lamang sa indoor, bagkus pati sa outdoor.

Ito ay nasasaad sa bagong ordinansa ng presidente ng rehiyon na si Nello Musumeci, bilang karagdagang hakbang upang maiwasan ang Covid sa nalalapit na pagsapit ng Pasko. Ito ay ipatutupad hanggang sa December 31, 2021. 

Nasasaad sa ordinansa ang obligadong pagdadala ng mask palagi at ang pagsusuot nito sa lahat ng mataong lugar na bukas sa publiko. 

Bukod dito, ay kailangang sumailalim sa Covid test sa mga ports at airports ang mga manggagaling mula sa Germany at UK.  Sa kasalukuyan, ang control ay ginagawa sa lahat ng mga manggagaling o nagkaroon ng stop over sa nakaraang 14 na araw sa USA, Malta, Potugal, Spain, France, Greece at Holland.  (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Assegno Unico, matatanggap din ng mga dayuhang naninirahan sa Italya mula dalawang taon pataas

Anti-covid tablets, may go signal na mula sa Minsitry of Health ng Italya