Batay sa datos ng Istituto Superiore di Sanità ay pinirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang isang bagong ordinansa kamakailan na naglalagay sa rehiyon ng Sicilia sa zona gialla o yellow zone na naglalarawan ng moderate risk, simula August 30, 2021.
Aniya, ito ay isang kumpirmasyon lamang na ang coronavirus ay patuloy na nasa sirkulasyon at nananatiling priyoridad ang hadlangan ito sa pamamagitan ng mga tamang pag-uugali, pagsunod sa mga pangunahing health protocols at ang vaccination campaign.
Sa zona gialla ay mandatory ang pagsusuot ng mask sa outdoors, hindi katulad sa zona bianca na ang mask ay mandatory lamang sa indoors. Samantala, walang pagbabago ukol sa gamit ng Green pass sa zona gialla.
Green Pass, 12 buwan ang validity
Kaugnay nito, nagbigay na rin ng go signal ang Comitato Tecnico Scientifico o CTS sa extension mula 9 na buwan hanggang isang taon na validity ng Green pass.