in

Silvio Berlusconi, nahabla sa pang-aapi at paghahasik ng galit laban sa mga dayuhan

Paghahabla mula kay Riyadh Khawatmi, nagmula sa Siria, apatnapung taon ng naninirahan sa Parma at nagmamayari ng isang pasaporteng Italyano.
 
altRome – Nireklamo ang Prime Minister na si Silvio Berlusconi sa paghahasik ng galit laban sa mga dayuhan.

Si Riad ay hindi isang aktibong Muslim, na lubhang nasaktan sa mga salitang binitawan ni Silvio Berlusconi habang nagka-campaign ito para sa dating mayor ng Milan na si Letizia Moratti: “Kung mananalo si Pisapia, ang lungsod ng Milan ay magiging isang lungsod ng mga Muslim.” Pagkatapos ng mga paghahayag, si Riad ay nagsadya sa istasyon ng pulis ay naghayag ng isang habla ukol sa paghahasik o pagtatanim ni Berlusconi ng galit laban sa mga dayuhan.

Siya rin ay nangako na kukunsultahin ang mga awtoridad ng mga bansang Canada at Estados Unidos kung saan ay maaaring ihabla kahit wala sa bansa ang hinahabla, maliban na lamang sa bihirang kaso, ang Ministro ay nanganganib na maaresto sa panahon ng  pagpasok nito sa mga nabanggit na bansa.

“Ang Prime Minister ay hindi maaaring isipin na ang buong mundo ayon sa kanyang pamamahala,” sabi ni Riad. “Labas ang politika dito, lalo na ang pagiging kanan o kaliwa ng isang politiko. Ang usapan dito bilang Prime Minister ng isang bansa tulad ng Italya ay dapat na kumakatawan at pinoprotektahan ang bawat mamamayan ng walang kinikilingan at hindi tinitingnan ang relihiyon, lahi at kulay ng mga ito. Ang prinsipyong ito ay para sa Europa maging sa North America, na isang malaya at demokratikong bansa. Dito, gayunpaman, ang Prime Minister ay inapi lahat ng mga mamamayan ng pananampalatayang Muslim”- pagtatapos pa nito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Direct Hire: Maroni: Alisin ang quota, makakapasok ng bansa ang sinumang may kontrata!

‘Gabay’ , hatid ng ASLI para sa mga Pinoy sa Roma