in

Sitwasyon ng Covid19 sa Italya, bumubuti

covid19 Ako Ay Pilipino

Muli ay nagtala ng bahagyang pagbaba sa bilang ng mga bagong positibo sa covid19 sa Italya sa huling 24 oras, 28,352, mas mababa kumpara kahapon na 29,003. 

Ang patuloy na pagbaba sa bilang ng mga bagong infected na naitatala sa mga araw na ito ay nagpahintulot sa pagbaba rin ng transmissibility index Rt sa 1,08

Ito ay nagpapakita ng isang pagbuti sa epidemiological situation sa Italya. 

Gayunpaman, 12 Rehiyon pa rin ang nananatiling may index Rt na mas mataas sa 1. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Lombardia at Toscana (1,24);
  • Veneto 1.23, 
  • Basilicata 1,22; 
  • FVG 1,17; 
  • Molise 1,12; 
  • Abruzzo at Emilia Romagna 1,11;
  • Puglia 1.06;
  • Sicilia 1,05;
  • Provincia Autonome di Bolzano 1,03;
  • Valle d’Asta 1,01

Samantala, ang may mas pinakamababa na index Rt ay ang: 

  • Sardegna 0,72;
  • Liguria 0,77

Ang bilis ng pagkalat ng epidemya sa Italya ay tila nagsisimulang bumagal. Gayunpaman, ayon sa paliwanag ng Istututo Sanità Superiore at Ministry of Health, bagaman bumababa ang index Rt ay nananatiling mataas pa rin ito, pati ang tensyon sa mga ospital kung kaya’t napaka-aga pa upang mag-isip ng pagluluwag o pagtatanggal ng mga paghihigpit. Sa katunayan, ang sitwasyon sa bansa ay maituturing pa rin na ‘malala’ partikular sa 10 rehiyon na maituturing na mataas pa rin ang panganib.

Magandang balita rin mula sa Europa. Ang Great Britain ay nagtala din ng average level of contagion index na 0.9-1 (kumpara noong nakaraang lingo na 1-1.1). Ito ay magandang resulta ng lockdown 2 ng gobyerno ni Tory sa bansa mula Nov 4 hanggang Dec 2. 

Patuloy rin ang pagbaba sa bilang ng mga bagong infected kahit sa Francia na nagtala ng 12.459 sa huling 24 oras.

Bagaman ang mataas na kurba sa ilang bansa ng EU ay unti-unting bumababa kahit mabagal, ipinaalala naman ni Cancelliera Angel Merkel ng Germany matapos i-extend hanggang Dec 20 ang semi-lockdown sa bansa ay nananatiling mapanganib ang coronavirus. Sa katunayan ay lumampas na sa higit isang milyon ang mga infected sa Germany.

Kasabay nito ay nagbabanta naman muli ang alarme sa Asya. Sa Tokyo Japan ay muling pumalo sa 570 ang mga infected araw araw at ayon sa mga eksperto, ito umano ay hudyat ng third wave. Pinangangambahan rin ang mga huling datos mula sa South Korea. (PGA at larawan ni: Quintin Kentz Cavite Jr)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Duomo di Milano Ako Ay Pilipino

Zona arancione at zona gialla. Narito ang pagbabago sa mga Rehiyon

Ako Ay Pilipino

Dating filipino citizens, pati asawa at anak na dayuhan, makakabiyahe na ulit sa Pilipinas