in

SIULP: “Paghahasik ng takot sa mga migrante, isang pagkakamali”

SIULP ng Roma: “Ang Immigration ay isang social phenomenon at ito rin ay isang pagtanggap, hindi equation sa salitang krimen. Kailangang mamuhunan sa mga bansang kanilang pinanggalingan.”
altRome – “Sa halip na tanggapin ng bansang ito bilang isang social phenomenon at gayun din ng pagtanggap, ng paggalang sa karapatang pantao, ng sibil at pagkamamamayan, ay nagiging kabaligtaran nito ang kahulugan ng imigrasyon. Ngunti dahil mayroong mga migrante na nagsasagawa ng krimen, ay inihahambing ang krimen sa imigrasyon. “

Ito ang mga pangungusap ni Felice Romano kahapon, ang Kalihim ng unyon ng mga pulis SIULP (o Sindacato Italiano Unitario Lavoratori Polizia) sa kanyang pagsasalita sa isang conference sa Modena ukol sa CEI (Identification and deportation center). ”Isang paghahasik ng takot sa mga mamamayan- dagdag pa nito – na humantong sa maling pagharap sa mga isyung ito.

Ayon pa sa Kalihim ng SIULP “hindi kailangan ng lakas o dahas sa pagkilos, tingnan ang Estados Unidos na namamaril ng mga imigrante na naglalayong pumasok ng bansa at mayroon ding halos isang milyon bawat taon na tumatawid ng bansa mula sa Mexico lamang. Tingnan natin sa halip ang Alemanya na namumuhunan naman sa mga bansang pinagmulan ng mga migrante sa pamamagitan ng pagtataguyod ng edukasyon. “

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PAUNAWA

EU Commission: Konsultasyon sa kasalukuyang patakaran ng Family reunification