in

Smartphones sa Toscana, makakatanggap mamayang alas dose ng tanghali ng IT-Alert SMS

Ngayong araw, ika-28 ng buwan ng hunyo, sa ganap na ika-12 ng tanghali, lahat ng nasa loob ng rehiyon ng Toscana ay makakatanggap sa kani-kanilang mga smartphones ng sms bilang “TEST MESSAGE” ng bagong “National Public Alarm System”.

Ang rehiyon ng Toskana ay ang unang rehiyon na magkakaroon ng alarm system test ng IT-ALERT na isinusulong ng Protezione Civile.
Ang nasabging IT-Alert ay ang makabagong sistema ng pagpapaabot ng direktang impormasyon sa lahat ng mga smartphones na nasa loob ng isang teritoryo. Ang mga impormasyong matatanggap ay mga babala sa panahon ng emergency o kalamidad.

Hindi na kailangang mag install ng APPs at walang dapat gawin ang mga mamamayan upang makatanggap ng nasabing alert message. Babasahin na lamang ang mensaheng darating at sasagutan ang mga katanungan upang mas maisaayos ang sistemang sa kasalukuyan ay sumasailalim sa masusing pagsubok bago ito opisyal na ilunsad. Ang lahat ng mga operasyon ng telepono ay panandaliang sususpindihin upang mabigyan ang lahat ng pagkakataon na basahin ang mahalagang mensaheng natanggap. Ang mensaheng ito ay magkakaroon ng priority sa display ng cellphone hanggang sa ito ay mabuksan.

Ang mga mensahe ng IT-alert ay ipadadala sa pamamagitan ng tinatawag na cell-broadcast. Ito ay isang paraan ng sabay sabay na pagpapadala ng mga emergency alerts at warnings sa maraming mga gumagamit ng mobile devices sa isang ispesipikong lugar. Ang nilalaman ng mensahe ay ang mga sumusunod na impormasyon: ang nagpadala (Protezione Civile), dahilang kung bakit ipinadala ang mensahe (walang tigil na malakas na ulan), at ang agarang aksyon upang makaligtas (Magpunta o lumikas sa mataas na lugar).Ang laman ng mensahe ng IT-alert ay ang malawak na paglalarawan ng sitwasyon at ang kaukulang agarang self-protection bago pa man dumating ang tugon ng mga awtoridad.

Samakatuwid, ang lahat ng smartphones na tumutugopn sa international standard na Common Alerting Protocol ay makakatanggap ng mensaheng “IT-Alert”. Dahil sa sistemang ito, mas mapapabilis ang pagpapaabot ng mga impormasyon at stratehiya sa panahon ng kalamidad sa mga nasasakupang lugar ng sistema.

Samantala, narito naman ang ibang petsa ng test ng IT-alert sa ibang rehiyon: June 30 sa Sardegna, July 5 sa Sicily, July 7 sa Calabria, July 10 sa Emilia Romagna at bago matapos ang taong 2023 ay sa mga natitirang rehiyon at sa mga autonomous provinces ng Bolzano at Trento.
(Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3]

Ricongiungimento Familiare at Coesione Familiare, ano ang pagkakaiba?

QS World University Rankings 2024: Narito ang mga pasok na unibersidad ng Italya at Pilipinas