in

Specialization ng mga mag-aaral na Pinoy ng Italian Cuisine, isang tagumpay!

Mula sa appetizers hanggang sa dessert, ang mga mag-aaral na Pinoy ay nagluto ang mga Italian recipes na nagpatunay ng pagiging pangunahing pagkaing hinahangaan sa buong mundo.

altMula sa Pilipinas ay nagtungo ng Astigiano upang pag-aralan ang mga pagkaing Italyano, lalong higit ang mga specialties ng rehiyong Piedmont. Ito ay naganap sa Castle Costigliole d’Asti, ang  lokasyon ng kurso ng ICIF. Ang SDP ay nakilahok din, bilang hukom, sa final exams ng maikling kurso ng tatlong linggo (simula huling linggo ng Setyembre) ng isang grupo ng mga mag-aaral na Filipino (at isang Canadian na mag-aaral). Kabilang sa mga jurors ang mga star chefs pati na rin ang mga kilalang executives ng sektor, mga mamamahayag at mga tagahanga ng tinatawag na ‘buona cucina’.

Mula sa appetizers hanggang sa dessert, ang mga mag-aaral ay niluto ang Italian recipes mula timog hanggang hilaga, mula karne at isda, kanin at pasta, sweets at biscuits.

Ang resulta ay tunay na nakakagitla. Sa tatlong linggo, ang mga mag-aaral ay ipinakita ang pagkakaroon ng mastered fundamentals sa pagluluto ng pagkaing Italyano: flavors, kulay, fragrances ng mga pagkain. Sa madaling salita, ay napatunayan ang pagiging pangunahing pagkaing  hinahangaan sa lahat ng dako ng mundo.

Sa likod ng lahat ng ito ay matatagpuan ang ICIF, ang Italian Culinary Institute for Foreigners, na, sa kabila ng maraming hadlang at paghihirap, ay patuloy na pinagbuti ang kurso sa pagsasanay para sa mga mag-aaral ng mga Asyano at Amerikano. Isang yaman ng Made in Italya sa kusina mula pa noong 1991, sa masteral, maikling kurso at maging refresher course para sa mga grupo ng mga banyagang propesyonal (chefs, sommeliers, restaurateurs) na nagnanais ng specialization sa Enology at Italian Cuisine.

“Maraming nagtapos na mga mag-aaral dito sa aming paaralan na mula pa sa Australia, Bermuda, Brazil, Canada, China, Cyprus, Korea, Pilipinas, Alemanya, Japan, Hong Kong, Indya, Israel, Lebanon, Mexico , Peru, Russia, USA, Singapore, Sweden, Taylandiya, Taiwan, Venezuela, at maging Italya man”, pagmamalaki ng Icif.

Ang pagsulong ng mga gawain at ang bunga ng tagumpay ng Institute ay dahil sa malawakang network ng mga tanggapan sa iba’t ibang bansa na kasalukuyang nasa 38 mga bansa sa Europa, Asya, North America at South America.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ayaw sagutan ang census? Multa hanggang 2000 €

SSS CARAVAN IN ROME, ITALY