Rome, Hulyo 10, 2012 – Ilan linggo na ring naririnig ang salitang “spending review”, ngunit ilan nga ba ang tunay na nakakaunawa sa kahulugan ng salitang ito. Ano nga ba ang dahilan kung bakit ang bansang Italya ay kasalukuyang tinatalakay ito.
Simulan natin sa pamamagitan ng pagsasabing ang terminolohiyang “spending review” ay karaniwang tumutukoy sa pagsasangguni sa lahat ng uri ng mga gastusin ng isang kumpanya o isang bansa hanggang sa pagsusuri sa iba't-ibang mga proseso at pamamaraan kung paano ang mga ito ay matitipid at hindi masasayang.
Sa UK, sa pamamagitan ng Treasury (HM Treasury) ay isinasagawa ito, pinahalagahan ng nakakarami kung kaya’t nagkaroon ng dalawang uri: ang “spending review” kung saan sinusuri ang isa o higit pang aspeto ng public expenditures, at ang “comprehensive spending review”, kung magsisimulang muli sa wala, ng hindi kukunsiderahin ang nakalipas na gastusing publiko. Samakatwid, ay maaaring magbunga ng mga radikal na pagbabago at mga mahalagang cost cutting.
Ngunit bakit umabot sa Italya ang salitang ito?
Unang ginamit sa bansang Italya ang “spending review” noong nakaraang 2007, na noon ay si Padoa Schioppa ang Ministro ng Ekonomiya (ayon sa gobyerno ni Prodi) ay ipinakilala, sa pamamgitan ng Finanace Act (legge Finanziaria) ang isang commission na hahawak ng pananalapi ng bansa. Ayon sa kanyang mga paghahayag, ang natipin noong panahong iyon ay umabot sa 700 million.
Sa mga nakalipas na buwan ay muling bumalik ang katanyagan ng "spending review" na ninais ng pamahalaan ni Mario Monti.
Simulan natin mula sa isang punto: ang italian public expenditures ay umaabot sa halos 800 billion euros bawat taon. Malaking bahagi ng halagang ito ay napupunta sa sahod at pensyon, ngunit isang mahalagang bahagi nito ay nasasayang sa iba't ibang uri at iba't ibang antas. Dahil dito si Mario Monti ay nagpasyang kumilos, sa tulak na rin ng ibang pangangailangan: ang humanap ng 4,2 billion euros upang hindi ituloy ang binabalak na pagtaas ng VAT (IVA) simula sa Oktubre ng taong kasalukuyan (mula 10 sa 12% at mula 21 sa 23%).
Si Minister Prof. Piero Giarda, humahawak ng Relations sa Parliament, ay naatasang gumawa ng draft ng ulat kung saan sinuri ng detalyado ang mga gastusin ng public administration para sa isang mahusay na pagpapasya kung saan dapat magkaroon ng cost cutting. Dahil dito, isa pang mahalagang personality na tinaguriang “Mr. Forbici” ang naging tawag kay Enrico Bondi, ang special commissioner para sa "rasyonalisasyon ng mga kalakal at serbisyo. "
Bukod kay Giarda at Bondi, sa "Commission for public expenditures" ay kabilang din ang Prime Minister na si Mario Monti at Undersecretary na si Antonio Catricalà, ang Viceminister sa Economy at sa Finance na si Vittorio Grilli at ang Minister for Public administration and semplification na si Filippo Patroni Griffi.