in

Sputnik, gagawin na rin sa Italya

Ako Ay Pilipino
Simula July 2021 ay gagawin na rin sa Italya ang Sputnik, ang bakuna laban Covid19 ng Russia.

Gagawin na rin sa Italya ang Sputnik, ang bakuna laban Covid19 ng Russia. 

Pirmado na ang kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Russia at ng kumpanya na Adienne Pharma & Biotech para sa paggawa ng bakunang Sputnik V sa Italya”. Ito ang inanunsyo ng Italian-Russian Chamber of Commerce. 

Ang partnership ay magpapahintulot sa pagsisimula ng produksyon ng bakuna simula July 2021. Ang makabagong proseso ng produksyon ay inaasahang lilikha ng employment sa bansa at magpapahintulot sa Italya na makontrol ang buong proseso ng produksyon. At makakasigurado  sa produksyon ng 10 milyong dosis bago magtapos ang taon. 

Ang negosasyon ay “nagsimula ilang buwan na ang nakakaraan“. At ito ang magpapahintulot sa paggawa ng bakunang Sputnik V sa Europa.

Ang head office ng biopharmaceutical Adienne Pharma & Biotech ay nasa Lugano, Switzerland, ngunit may produksyon din sa Caponago, sa lalawigan ng Monza at Brianza.

Mga katangian ng Sputnik V

Ang Sputnik V ay isang viral vector vaccine na naglalayong gumawa ng mga antibodies laban sa Covid sa immune system. Ayon sa Lancet, isang tanyag na magazine, ang Sputnik umano ay epektibo, mabisa at ligtas ng 91.6%. Ito ay ibinibigay ng 2 dosis at may pagitan ng 21 araw. Ito ay maaaring mai-conserve sa temperature mula 2 hanggang 8 degrees. Sa kasalukuyan, ang Sputnik ay ginagawa sa Russia, India, South Korea, Brazil at Kazakhstan. Simula Hulyo 2021, ito ay gagawin na din sa Italya. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako-ay-Pilipino

Posibleng pagbabago sa kasalukuyang DPCM, pinag-aaralan

Pinay, sumugod sa pronto soccorso dahil sa pananakit ng asawa