in

State of Emergency ng Italya, extended. Narito ang nilalaman ng bagong Decreto

Inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro kahapon July 22, 2021, ang decrteo legge na nagtataglay ng mga urgent measures sa pagharap sa Covid19 at mga bagong safety measures upang maprotektahan ang lipunan at ekonomiya ng bansa. 

Nilalaman ng decreto ang mga sumusunod:

  • Extension ng State of Emergency ng Italya;
  • Bagong pamantayan ng color coding ng mga Rehiyon;
  • Bagong regulasyon sa paggamit ng Green Pass;

State of Emergency 

Kumpirmado ang extension ng state of emergency ng Italya. Ito ay pinalawig hanggang December 31, 2021 batay sa indikasyon ng cabina di regia. 

Bagong pamantayan ng color coding ng mga Rehiyon

Ang bagong pamantayan ng color coding ng mga Rehiyon ay ibabatay sa bed occupancy sa mga ospitala t ICU.

  • Mula zona bianca sa zona gialla – Kapag lumampas sa itinakdang limitasyon na 10% bed occupancy sa ICU at 15% sa normal na ward;
  • Zona arancione – Kapag lumampas sa limitasyon na 20% ng bed occupancy sa ICU at 30% sa normal na ward;
  • Zona rossa – Kapag lumampas sa limitasyon ng 30% na bed occupancy sa ICU at 40% sa normal na ward. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4.7]

Green Pass, mandatory sa Italya simula sa August 6. Narito ang FAQs.

Booking ng mga magpapabakuna, tumaas ng 15% hanggang 200%