Ang Omicron subvariant na BA.2 ang dominanteng strain ng COVID-19 sa Italya ngayon. Ayon sa WHO, ang Omicron 2 ay ang ‘reyna’ ngayon ng Sars-CoV-2 sa buong mundo habang ang atensyon ng lahat ay nakatutok sa digmaan sa Ukraine. Ngunit malinaw na makikita sa Covid daily monitoring ang progresibong pagtaas ng mga kaso sanhi ng higit na transmissibility ng Omicron 2.
Ang Omicron 2 o sub-variant BA.2
Ang Omicron sub-variant na BA.2 ay mas nakakahawa kumpara sa iba pang mga variants ng Sars-CoV-2, ayon sa mga eksperto. Mas nakakahawa ngunit may mas mahinang sintomas. Sa katunayan, ang variant na Omicron 2 ay masasabing hindi naman nagdudulot ng malalang outcome kumpara sa ‘basic na bersyon’ ng Omicron. Karaniwang sintomas ang tumutulong sipon, pananakit ng ulo, pagkapagod na may pananakit ng kalamnan, pagbahing at pananakit ng lalamunan. Naitala din ang pagsusuka at pagtatae. At kung ikukumpara naman sa ‘tradisyonal’ na bersyon ng covid, partikular sa Delta variant, mas kakaunti ang ulat ukol sa pagkawala ng pang-amoy at panlasa, mga sintomas na itinuring na ‘espiya’ ng mga naunang wave ng Covid.
Ang average period ng pagkakasakit ay mula 5 hanggang 7 araw at ang incubation period naman ay karaniwang 3 araw.
Sa katunayan, ang mahinang outcome ng BA.2 ay madalas na pinaghihinalaang cold o sipon lamang, na pangkaraniwan tuwing winter season na laganap sa mga kabataan. Ngayong Spring naman ay mahalagang huwag ikalito ang mga sintomas nito sa seasonal allergy at rhinitis.
Basahin din:
- Ang Pagkakaiba ng Allergic Reaction sa Coronavirus Infection,
- Seasonal flu o trangkaso at Covid19, ano ang pagkakaiba?
Ang bisa ng anti-Covid vaccine, partikular ang porsyentong makaiwas sa panganib ng malalang outcome sa kasagsagan ng Covid sa mga nabakunahan ng booster dose ay 70% at hanggang 50% naman sa loob ng 90 araw matapos makumpleto ang dalawang dosis, 48% naman mula 91 hanggang 120 araw, at 42% lampas ng 120 araw matapos makumpleto ang mga dosis. Ito ang binigyang-diin sa ulat ng ISS o Higher Institute of Health mula sa pagbabantay sa epekto ng sakit at pagiging epektibo ng pagbabakuna.
Ang bisa ng bakuna sa mga nabakunahan ng kumpletong dosis na maiwasan ang malubhang sakit ay 73% hanggang 90 araw, 76% sa mga nabakunahan ng kumpletong dosis mula 91 hanggang 120 days at 76 % sa mga nabakunahan ng kumpletong dosis ng higit sa 120 araw. At 91% sa mga bakunado ng booster, ayon pa sa ulat.
Omicron 2, false negative sa repid test
Bukod sa naitalang pagdami ulit ng mga kaso ng bagong sub-variant ng Omicron 2, naitala din ang pagiging hindi epektibo ng mga rapid test ng Omicron 2.
Samakatwid, maaaring magresulta na false negative sa unang test, partikular kung ito ay isinagawa sa parehong araw ng pagsisimula ng mga sintomas; habang ang ikalwang test makalipas ang 48 oras ay magbibigay na ng positibong resulta. (PGA)