Simula January 10 hanggang March 31, 2022 (o petsa ng pagtatapos ng State of Emergency) ay nagtatalaga ng mga bagong preventive measures ang inaprubahang dekreto ng Konseho ng mga Ministro upang maawat ang mabilis na pagkalat ng Omicron variant na laganap na sa Italya.
Super Green Pass at FFP2 sa pubic transportation
Kabilang dito ang pagpapalawig sa gamit ng Super Green pass sa pagsakay sa lahat ng uri ng trasportasyon – eroplano, tren, barko, kasama ang local at regional public transportation tulad ng tram, bus at metro. Samakatwid, ang pagsakay sa mga uri ng transportasyong nabanggit ay para lamang sa mga bakunado kontra Covid19 at mga gumaling sa sakit na Covid19.
Ito ay bilang karagdagan sa ipinatutupad na paggamit ng FFP2 protective masks sa pagasakay sa lahat ng uri ng mga public transportation.
Isang agreement sa mga pharmacies at authorized retailers ang pinirmahan ni Emergency Commissioner Francesco Figliuolo ang naglilimita sa halaga ng mga FFP2 protective masks na nagkakahalaga sa publiko ng € 1,00 bawat mask.
Bukod sa mga nabanggit, ang Super Green pass ay mandatory din sa mga hotels, reception ng religious at civil events, festivals and fairs, convention centers, outdoor and indoor restaurants, ski lifts, swimming pools, team sports and wellness centers, museums, cultural and social centers.
Papatawan ng multa mula € 400 hanggang € 1000,00 ang sinumang lalabag sa mga nabanggit na protokol.
Ipinapaalalang ang Super Green Pass ay matatanggap lamang ng mga bakunado kontra Covid19 at ng mga gumaling sa sakit na Covid19. (PGA)
Basahin din:
- Mula mandatory vaccination hanggang Super Green pass, ang nilalaman ng bagong dekreto
- Super Green Pass, ang bagong regulasyon para sa taong 2022