in

Super Green Pass: kontrol at multa hanggang € 1,000

Kaakibat ng mga bagong panuntunan sa Green pass ang parusa sa sinumang papasok ng mga restaurants at local public transportation nang walang green pass. 

Simula Lunes, December 6, ang mga bagong panuntunan laban sa Covid ay ipatutupad kahit sa zona bianca. Ito ay ang pagiging mandatory ng Green pass (basic) sa pagsakay sa mga local public transportation at pagpasok sa mga hotels. 

Basahin din:

Multa at kontrol

Sa decreto legge na inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro ay nasasaad din ang multa na nagkakahalaga ng € 400.00 hanggang € 1,000.00. Ito ay para sa mga lalabag at mahuhuli na walang Green pass sa pagsakay sa mga local public transportation. 

Matatandaang nag-anunsyo kamakailan ang Interior Minister Lamorghese at mga prefect nang mas mahigpit na kontrol. Sa katunayan, naglaan ng karagdagang mga pulis upang magko-kontrol mismo sa mga metro at bus stop.

Ayon pa sa decreto legge, simula December 6, ang Super Green pass ay mandatory sa mga sports events, shows, party at disco, public ceremonies, dine-in restaurants. Ang mga papasok sa mga nabanggit na lugar na walang green pass o hindi magpapakita nito ay nanganganib ng multa mula €600.00 hanggang €1,500.00. 

Ang mga namamahala naman sa mga nabanggit na lugar, sa kawalan ng pagkokontrol sa Green pass ay nanganganib ng multa mula €400.00 hanggang €1,000.00. 

Nagpapatuloy naman ang pagpapatupad ng Green pass sa lahat ng work place simula noong Oct. 15, 2021. Nasasaad ang multa mula € 600,00 hanggang € 1500,00para sa mga workers na walang green pass sa trabaho. At multa mula € 400,00 hanggang € 1000,00 naman para sa mga employer na hindi magko-kontrol ng Green pass.

Samantala, sa Friuli Venezia Giulia, ay napaaga ng 7 araw ang pagpapatupad ng Super Green pass. Ito ay dahil sa pagiging zona gialla ng rehiyon simula ngayong araw, December 1, 2021. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 3.3]

Paano magkakaroon ng Super Green Pass

Italy at Spain, tanging bansa sa Europa na may yellow zone