in

Super Green Pass, mandatory sa workplace para sa mga over50s

Simula ngayong araw, February 15, 2022, ay mandatory ang pagkakaroon ng Super Green Pass para sa mga over50s sa kanilang pagta-trabaho. Sa sinumang lalabag, multa mula €600 hanggang €1500,00!

Para sa mga magta-trabaho na over 50s sa Italya, hindi na sapat ang pagkakaroon ng Basic Green pass na makukuha sa pamamagitan ng anumang Covid19test, dahil simula ngayong araw, February 15, 2022 ang Super Green pass ay mandatory sa lahat ng workplace para sa mga over50s.

Partikular, magkakaroon lamang ng Super Green pass sa pamamagitan ng bakuna kontra Covid19.

  • Matapos ang unang dosis – ang Super Green pass ay balido 15 araw makalipas ang unang dosis at balido hanggang sa petsa ng ikalawang dosis;
  • Matapos ang ikalawang dosis – ang Super Green pass ay balido ng anim (6) na buwan;
  • Matapos ang booster dose – ang Super Green pass ay ‘illimitato’.

Walang Super Green Pass? Multa sa worker at employer

Ang sinumang lalabag na over50s na walang Super Green pass sa workplace ay mamumultahan mula €600.00 hanggang €1500.00. Kung ang kawalan ng nasabing dokumento ay magtatagal ng higit sa 4 na araw, ay papatawan ng sospensyon sa trabaho at sospensyon sa pagtanggap ng sahod. Samantala, ang employer na hindi magsasagawa ng pagkokontrol ay mamumultahan din mula €400.00 hanggang € 1000.00.

Ang Super Green pass ay mandatory para sa mga over50s sa workplace hanggang June 15, 2022. Sa nabanggit na petsa, marahil ay tatanggalin na rin ang Green pass.

Ipinapaalalang exempted sa obligasyon ang mga mayroong medical certificate na nagpapatunay na ang bakuna kontra Covid ay hindi ipinapayo dahil sa kalagayang pisikal o pagkakaroon ng karamdaman. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

19 na Consiglieri Aggiunti, nalalapit na ang eleksyon sa Roma 

1.11 bilyong euros, natipid ng Inps dahil sa epekto ng Covid