Kasunduan sa pagitan ng ABI at asosasyon ng mga consumer, narito ang mga requirements. Codacons: “Masyadong mahigpit ang mga Kondisyon, tila mas makakabuti sa mga bangko kaysa sa mga pamilya”
Rome – Sa sinumang may malubhang problema at hindi kayang bayaran ang mortgage sa bangko ay maaaring humingi ng suspensyon ng hulog o rates.Ito ay nasasaad sa extension ng “Family plan” (o Piano Famiglie), isang kasunduan sa pagitan ng asosasyon ng mga consumer at ng Italian Banking Association o ABI, at maaaring isumite ang application hanggang 31 Enero 2012. Ang “Family Plan ” ay kahalili ng Solidarity Fund na itinatag ilang buwan na ang nakaraan ng gobyerno, na naglalayong bigyan ng suspensyon ang mga hulog, ngunit sa ilalim ng iba’t-ibang mga kundisyon.
Ang suspensyon ay tumatagal ng labindalawang buwan at para lamang sa mga may housing loan (o mutuo) na aabot sa halagang € 150,000, para bumili, magtayo o magkumpuni ng unang bahay. Bukod dito, sa mga hihingi ngsuspensyon ay dapat na mayroong isang kabuuang kita ng 40,000 bawat taon at biktima, sa loob ng taong kasalukuyan, ng isang negatibong kaganapan sa buhay tulad ng pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, pagkawala ng trabaho, karamdaman o isang aksidente na sanhi ng pagiging imbalido.
Narito ang mga pangunahing mga kondisyon (narito ang listahan), ngunit ang mga bangko na lumahok sa inisyatiba ay maaaring mag-alok ng mas magandang kundisyon. Hanggang May 31, 2011, ayon sa data na inilabas kahapon ng ABI, ay nasuspinde ang 46,308 na house loans na nagkakahalaga ng halos € 5.5 billion euros.
Ayon naman sa Codacons, isang asosasyon ng mga consumers, ay masyadong mahigpit ang mga requirements at sinabing hindi totoo ang pagpapagaan. Ang kakulangan ng extension sa mga kondisyon upang makakuha ng suspensyon sa pagbabayad ng mortgage ay halos walang saysay na pagpapagaan kung mga bangko pa ang higit na makikinabang at isang magandang imahe lamang para sa ABI at hindi sa mga pamilyang nangangilangan.