Ikinababahala ng Italya ang matinding tagtuyot, partikular sa northern regions, sa mga susunod na buwan, ayon sa babala ng head ng ANBI water-resource consortium, Francesco Vincenzi noong Huwebes.
Batay sa datos ng National Research Council (CNR), tinatayang nasa 6% hanggang 15% ng populasyon ng Italya ang naninirahan sa mga lugar kung saan may matinding tagtuyot. Hindi bababa sa tatlo at kalahating milyong Italyano ang posibleng mawalan ng tap water at hindi umano ito maaaring balewalain.
Ang hindi pag-ulan at kawalan ng snowfalls nitong winter ay nagpapalala sa mahirap nang sitwasyon matapos ang matindi at matagal na heat wave na dinanas ng Italya last summer na nagdulot ng malalaking problema sa agrikultura.
Dagdag pa ni ANBI president na ang antas ng Po river, ang pinakamalaking ilog ng Italya, ay nasa mababang lebel na. Bukod dito, kahit ang mga ilog at lawa sa Central Italy ay nasa parehong kundisyon din ng Po.
Bukod dito, batay sa report ng CIMA Research Foundation, ang Italian Alps ay kasalukuyang may snow-water deficit ng 53% kumpara sa average ng huling sampung taon.
Ito ay nakakabahala dahil ang snow ay isang mahalagang source of water sa spring at summer, sinisigurado ng pagkatunaw nito ang water supply sa mga buwan na ito ay pinakakailangan.
Ang Alpine snow ang pinakamahalagang water reserve ng Italya, dahil ito ang nagsusuplay sa Po River basin.
Ayon sa mga siyentipiko ang mga matinding kaganapan sa panahon tulad ng heat wave, malalakas na bagyo, pagbaha at tagtuyot ay nagiging mas madalas at mas matindi dahil sa pagbabago ng klima na dulot ng mga greenhouse-gas emissions ng tao.