Ang unang tatlong rehiyon sa ilalim ng zona bianca mula ngayong araw, May 31, 2021, ay ang Friuli Venezia Giulia, Molise at Sardegna. Ang lahat ng ibang mga rehiyon ay nasa ilalim ng zona gialla.
Zona bianca, ang mga health and safety protocols na dapat sundin
- Walang curfew
- Tanging restriksyon ay ang pagsusuot ng mask, social distancing at regular na ventilation at sanitation ng mga lugar.
Bar at restaurants
- Simula June 1 ay may pahintulot na ang dine-in sa loob ng mga bar at restaurants;
- May pahintulot na din ang pag-inom ng kape sa ‘banco’ o sa counter ng mga bars sa kundisyon ng isang metro na distansya bawat kliyente;
- Limitasyon sa bilang ng mga kliyente sa loob ng bars at restaurants batay sa laki nito;
- Magbubukas ang mga cultural, social at ricreational centers,
- Bukas ang mga malls o centri commerciali kahit weekend;
Handaan at mga Okasyon
- Simula June 1 ay may pahintulot na din ang mga handaan ng iba’t ibang okasyon;
- Obligado ang green pass sa lahat ng mga invited guests. Ito ay maaaring vaccination certificate, negative result ng Covid test o medical certificate na gumaling sa sakit na covid;
- May pahintulot ang buffet ngunit para lamang sa mga single portion;
- May pahintulot hanggang sa 4 na katao bawat table na ‘convivienti’ o kasama sa bahay;
- May pahintulot na din ang paggamit ng shower sa mga gym at pools.
Basahin din
- Buong Italya, zona gialla na simula May 24
- Curfew: Mamumultahan ba ang pag-uwi sa bahay mula sa isang dinner makalipas ang 11pm?
(PGA)
Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]