in

Tax deduction para sa mga employer ng mga care givers…

Roma – May 19, alt2011 – Sa panahon ng pagdedeklara ng tax return, ang mga pamilya na nagpapatulong sa mga colf at care givers ay maaaring makatipid sa buwis, sa kondisyon na ang trabahor ay regular at naaayon sa hinihingi ng batas .

Ang unang tax relief’ ay para sa mga employer ng mga colf, sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga kontribusyong binayaran ng mga employer para sa mga colf at badanti sa taxable income hanggang sa 1549.37 euros. Ang mga pinagbayaran ay maaaring patunayan sa pamamagitan ng mga resibong binayaran tuwing ikatlong buwan.

Karagdagang ‘relief’ ay para sa mga care givers na nagse serbisyo sa mga taong self-sufficient o tulad ng mga sertipikasyon mula sa mga doktor na hindi kakayaning kumilos, kumain at nangangailangan ng patuloy na pagsusubaybay. Sa ganitong mga kaso, may karapatan sa isang diskuwento ng 19% ng mga gastusin para sa caregiver, hanggang sa isang maximum ng 2100 €, ngunit  kung ang kita ng taxpayer ay hindi hihigit sa 40,000 € lamang.

May karapatan sa ‘relief’ ang sinumang nagbayad sa mga caregiver, na maaaring ang self-sufficient mismo na pinaglilingkuran ng care giver o ng mga kapamilya nito. Kasama ng tax return ay kailangang isumite ang mga resibo, pay slips o iba pang mga dokumento magpapatunay ng pagbabayad, na kung saan ay matatagpuan rin ang fiscal code at data ng tagapag-alaga, na nagbabayad (ang may karamdaman man o ang kapamilya nito).

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Padre Garcia team bags winter-spring league title in Milan

Submission ng ‘form 730’, extended!