in

Temperatura, aakyat hanggang 40° 

Ang ikalawang heat wave ng taon sanhi ng African anticyclone ay muling nararamdaman sa Italya sa pagpasok ng buwan ng Hunyo. 

Sa katunayan, ayon sa mga eksperto sa panahon, ang heat wave ay nagsimula ngayong araw, June 1 at magtatapos sa June 5-6.

Aakyat hanggang 40° ang temepratura sa maraming bahagi ng bansa. Apektado ng matinding init ang Centro-Sud at ang dalawang Isla. Mararamdaman din ang matinding init sa Pianura Padana. 

Ang pagtaas ng temperatura ay sasamahan din ng pagtaas ng humidity na magbibigay ng maalinsangang init. 

Ang peak ng heat wave ay mararamdaman sa Italya sa pagitan ng Biyernes hanggang Linggo at may peak na 33/34° sa North (31° sa Milan, 34 °sa Bologna), 34/37° sa Center-South (inaasahang aakyat sa 37° sa Rome) at hanggang 37/38° naman sa mga isla, kung saan posibleng umakyat hanggang 40 ° (39° sa Catania at Cagliari).

Sa Linggo, habang ang ilang rehiyon sa Hilaga ay maaaring magkaroon ng bahagyang pagbaba sa temperatura at samakawtid kaunting ginhawa mula sa init, ang mainit na hangin ay mananatili sa natitirang bahagi ng bansa. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ako Ay Pilipino

Green pass, tatanggalin na sa pagpasok o pagbalik sa Italya simula June 1

Bonus luce at gas 2022, anu-ano ang mga requirements at paano mag-aplay?