Artikulo 20 ng Batas sa Immigration: Magbibigay ng permit to stay sa mga Tunisiano
Rome, 8 Apr 2011 – Pinirmahan kahapon ni Prime Minister Silvio Berlusconi ang isang dekreto kahapon ng pagbibigay ng mga pansamantalang permit to stay sa mga Tunisiano na dumating sa Lampedusa. Ang pirmahan ay naganap diumano matapos ang Konseho ng mga Ministro.
Ang paggawad ng pahintulot ay batay sa Artikulo 20 ng Batas sa Immigration. Ito ay nagsasaad na “ang isang dekreto o pag-uutos mula sa Presidente ng Konseho ng mga Ministro […] ay itinatag […] upang ipagtibay ang mga panukala sa pansamantalang proteksyon, kahit na baguhin ang mga probisyon ng naturang batas, na may kaugnayan sa makataong pangangailangan sa panahon ng kalamidad o iba pang mga partikular at malubhang kaganapan ng mga bansang hindi kabilang sa European Union. ”
Ang dekreto ng Presidente ng Konseho ay upang bigyan ng pansamantalang pahintulot o ‘temporary permit to stay’ ang mga “mamamayan mula sa mga bansa ng North Africa na lumikas sa bansa mula Enero 1, 2001 hanggang hatinggabi ng Abril 5, 2011.” At, ayon sa isang unang draft, ang pahintulot ay “nagbibigay-daan sa mga taong may hawak na isang travel document ng maluwag na pag-ikot sa mga bansa ng EU, alinsunod sa mga probisyon ng Convention na nagpapatupad ng Kasunduang Schengen at mga batas nito”
Upang malaman at makasigurado sa mga detalye ay dapat hintayin ang paglalathala ng batas. Ipinahayag ni Maroni na hindi lahat ay mabibigyan ng permit to stay. Hindi kabilang ang mga: “mapanganib na tao, alinsunod sa Batas Blg 1423 ng 1956 at Act No 575 ng 1965, at hindi rin kabilang sa mabibigyan ng pansamantalang permit to stay ang mga nagkaroon ng order of deportation at sinumang naitala sa iba’t ibang uri ng pagkakasala. “