in

The Filipino Ricky Martin of Italy, pasok sa Blind Audition ng The Voice of Italy 2016

Natunghayan sa pagtatapos ng Blind Audition kagabi ang partesipasyon at pagpasok ni Armand Curameng sa The Voice of Italy 2016.

 

Roma, Marso 31, 2016 – Ginanap kagabi ang huling araw ng Blind Audition ng The Voice of Italy 2016 at isang sorpresa ang bumulaga sa libu-libong Pinoy sa Italya, na nakatutok sa sinusubaybayang kumpetisyon sa buong mundo. Ito ay ang partesipasyon at pagpasok ng tinaguriang “The Filipino Ricky Martin of Italy” at “The Filipino Concert King of Italy”, na si Armand Curameng. 

Mabilis na kumalat sa pamamagitan ng kanyang post sa social network ang kanyang pag-aanyayang tumutok sa telebisyon Miyerkules ng gabi. Ito ay ikinatuwa at inabangan ng libu-libong Pilipino hindi lamang sa Italya, pati na rin sa buong Europa kung saan kilala si Armand bilang manganganta. 

Sobra ang konsentrasyon ni Arman bago pa man ito magsimula. Dahilan sa naging bulungan ng dalawang coach na sina Dolce Nera at Max Pezzali (na una ng nakabuo ng kanilang grupo) na hindi umano sila tiningnan ng Pinoy contestant at sa halip ay naka-pose agad ito bilang paghahanda sa simula ng kanyang performance. 

Intro pa lamang ng kantang “Crazy Little Thing Called Love” ng Queen ay na-ingganya na ang 2 naiwang pipiling coaches na sina Raffaella Carra, may kulang pang 3 sa kanyang grupo at Emis Killa, na naghahanap pa ng natatanging huling talento para sa knayang grupo.

Bandang gitna ng kanta ng unang umakma si Carra sa kanyang pag-ikot na mabilis namang inunahan ng kumbinsidong si Emis. 

Naghiyawan at nagsayawan ang buong studio kasama na rin ang apat na coaches.

Sa maikling panayam nina Emis at Raffaella bago pa man pumili si Arman ng kanyang coach ay naging emosyunal ito.

Taga Palermo rin ang aking Mamma”, ayon kay Emis upang makumbinsi si Arman na sya ang piliin.

Bagaman hindi ‘pinoy’ ang naging pagbati ni Carra kay Arman, ayon sa coach ay nakapunta na umano ito sa Pilipinas. Bukod dito ay malapit umano si Arman sa kanyang hinahanap na talento para sa kanyang grupo dahil sa ‘swing’ o indak nito sa stage bukod pa sa boses na taglay nito. 

Caro Armando, mi sei piaciuto!“, ayon kay Raffaella. 

Mag-kaiba ang aming genre ni Emis ngunit mahalaga rin ang lumabas sa tinatawag na ‘comfort zone’ ngunit si Raffaella Carrà ay aking inspirasyon simula ng ako ay dumating sa Italya”, ang naging sagot ni Armand sa dalawa.

Io amo Raffaella e per questo scelgo te!”, anunsyo ni Armand. 

Hindi dito nagtatapos at muli ay aabangan ng buong sambayanan ang haharapin Battle ng kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa The Voice of Italy 2016. 

 

PGA

photo credits: The Voice of Italy 2016 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kilalanin ang mga ‘Vice-Presidentiables’

Final Testing and Sealing ng Vote Counting Machine, bukas sa Filipino community