in

Third dose ng bakuna kontra Covid19, kakailanganin nga ba?

Umabot na sa higit 12M katao sa Italya ang nakakumpleto ng bakuna kontra Covid19. Sa kabuuang halos 40M kasama ang mga nakatanggap na ng unang dosis ng bakuna, ay wala pang katiyakan kung sapat ang pagkakaroon ng herd immunity upang labanan ang virus. Sa katunayan, simula kahapon ay pinag-uusapan na ang third dose ng bakuna kontra Covid19, matapos ianunsyo ni Emergency Commissioner Francesco Figliuolo.

Sa kasalukuyang takbo ng pandemya marahil ay kailanganin ang karagdagang dosis ng bakuna“.

Ayon kay Marche Regional Health Councilor Filippo Saltamartini, ang epekto umano ng bakuna ay tumatagal ng halos 9 na buwan. Dahil dito, ang Rehiyon ay naghahanda na para sa third dose ng bakuna kontra Covid19, partikular para sa mga health workers, o ang sektor na unang babakunahan ng third dose.

Gayunpaman, mahirap pa ring matukoy kung gaano tatagal ang epekto ng bakuna, at dahil dito ang posibleng ikatlong dosis ay ping-aaralang mabuti. 

Hindi pa rin natin alam kung gaano katagal ang proteksyon ng bakuna kontra Covid19, dahil wala pang test ang makakapagsabi ng tagal ng proteksyon nito. At ito ay para sa lahat ng ginagamit na bakuna kontra Covid sa kasalukuyan. Ang buong mundo ay humahanap pa rin ng tugon ukol sa immunity pati sa lebel ng proteksyong hatid ng mga bakuna. Isang bagay ang sigurado sa kasalukuyan, kakailanganin ang susunod na dosis, ngunit hindi pa alam kung paano at kailan ito dapat gawin. Para sa karamihan ng mga bakuna, ang proteksyon ay inaasahang tatagal ng isang taon”, ayon kay prof. Sergio Abrignani sa Corriere della Sera. 

Samantala, ang ilang rehiyon ay mabilis sa pagbabakuna, partikular ang Campania, Abruzzo, Lombardia, Puglia, Molise at Lazio. Sa katunayan, sa mga nabanggit na rehiyon, malaking bahagi na ng populasyon ang nabakunahan na. Sa katunayan, hanggang sa katapusan ng Agosto, inaasahan na aabot sa 70% ng mga residente ang makakakumpleto na ng mga dosis. Ang Campania ay inaasahang magtatapos ang pagbabakuna sa August 20, labingisang araw bago ang average date sa bansa na inaasahang August 31. Ang ibang rehiyon ay magtatapos naman sa Setyembre. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bakit dapat gawin ng mga dayuhan ang komunikasyon ng cambio residenza?

Obligasyon ba ang pagre-report sa Comune matapos ang renewal ng permit to stay?