Libre at hindi babayaran ng dalawang taon ang ticket sanitario ng mga dating pasyente at gumaling na sa Covid19. Ito ay napapaloob sa panukalang decreto Sostengo bis. Ayon sa kumakalat na kopya ng draft nito, na kasalukuyang sumasailalim sa talakayan at mga pagsusuri, layuning pag-aralan ang pang-matagalang epekto at sintomas ng coronavirus.
Hindi magbabayad ng ticket sanitario ang mga gumaling sa Covid19
Ang pagsasabatas ng artikulo 31 ng panukala ang magbibigay ng nabanggit na exemption mula sa ticket sanitario. Sa katunayan, tulad ng mababasa “libre ang tiket sanitario para sa mga dating pasyente ng Covid19”. Gayunpaman, hindi ito para sa lahat ng mga serbisyo. Tinukoy sa draft, tulad rin ng budget na inilalaan ng health system, ay upang matiyak ang pantay na pangangalaga para sa lahat ng mga nagkaroon ng covid. At ang gawin ito sa pamamagitan ng isang programa na susubaybay sa clinical-diagnostic assistance batay sa lubha ng mga sintomas at sa pamamagitan din ng maagang pagsusuri ng posibleng mga epekto pa ng sakit. (Stranieriinitalia)
Basahin din:
- Esenzione Ticket Sanitario 2021, kailan dapat i-renew?
- Esenzione Ticket Sanitario, sinu-sino ang may karapatan dito?
- Expired ang Tessera Sanitaria? Narito ang dapat gawin.