in

“Tinulungan kami ng mga Filipino cooks at cleaners”

Si Michela mula sa Varese, 31 taong gulang, kasama ang kasintahang si Morris ay sumakay sa Costa Concordia para sa isang hindi malilimutan karanasan na naging isang trahedya.

altAyon sa report ng Varese on line, nanginginig pa rin si Michela habang nagsasalaysay ng mga pangyayari  – “Ito ay naging isang trahedya, sa halip na isang karanasang aking pinanabikan; tulad ng kilalang pelikulang Titanic. Mahirap ipaliwanag ngunit ganoon ang mga pangyayari, sa pagkawala ng enery power hanggang sa pagtagilid ng barko. Ang pagpapaniko ng lahat at ang pag-aagawan sa life boats”.

“Kahit ang mga crew ay nagkagulo rin. Ngunit salamat sa mga Filipino cooks at cleaners ng barko ay ginawa nila ang lahat ng posibile upang kami ay manatiling kalmo kahit pa hirap sila sa wikang italyano – dagdag pa ni Morris – kami ay sinalba nila”. 

“Pinauna namin ang mga mayroong bata sa pagsakay sa mga life boats”, dagdag pa ng dalawa.

Ang magkasintahan ay dumating sa pampang sakay ng lifeboat number 19 kasama ang 100 iba pang mga pasahero ng madaling araw. “Ang buong isla ay kumilos, hindi kapani-paniwala ang naging tugon nila. Ang may-ari ng isang hotel ay nagbigay sa amin ng isang kuwarto para matuluyan”, pagtatapos ng dalawa.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy crew members, ligtas lahat!

Mga dapat gawin kung biktima ng diskriminasyon