in

Topless sa St. Peter’s Square

Rome, Enero 14, 2013 – Apat na aktibista, ang inaresto matapos maghubad at nanatiling topless sa St. Peter’s Square kahapon sa pagdarasal ng Papa ng Angelus. Ito ay upang ipakita ang pagiging pabor ng mga ito sa karapatan ng mga gay.

Ang hindi pangkaraniwang uri ng protesta ng mga Ukrainians mula sa Femen group, ay naganap malapit sa Christmas tree ng nasabing plasa. At sa kanilang katawan ay nakasulat ang salitang “In Gay We Trust”.

Kasama din ng mga aktibista ang leader ng grupo na si Inna Shevchenko.

Hindi ikinatuwa ng mga namamanpalataya ang ginawa ng grupo at ito diumano ay isang insulto sa imahen ng mga kababaihan. Isa sa mga mananampalataya ang sumigaw ng “Diyablo”, “Ikaw ang diablo!” at hinampas ng dalang payong ang isa sa mga Ukranian nang inaresto ng mga pulis.

Kasabay ng paghuhubad sa Vatican Square ay naganap din ang isang welga sa France laban sa intension ng gobyernong gawing legal ang kasal ng mga homosexuals. Ang Femen feminists group, sa mga nakaraang taon ay naging kilala sa ganitong uri ng protesta o topless sa mga bansang Russia, Ukrania at London upang ipahayag ang pagigig laban sa katiwalian.

Matatandaang noong nakaraang Nobyembre 2011 ay nagtangka ang limang aktibistang Ukrainians na maghubad sa St Peter’s Square, ngunit isa lamang ang nagtagumpay dahil napigilian ang mga ito ng pulis.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Alkalde ng Brescia sa ika-pitong pagkabigo sa bonus bebè

World Day of Migrants and Refugees: “Tayong lahat ay mga dayuhan”