Tumaas sa 0,95 ang Rt sa bansa, mula sa 0,84 noong nakaraang linggo. Ito ang lumabas sa Covid19 weekly monitoring ng ISS at Ministry of Health.
Ayon sa mga ulat, ang mga rehiyon ng Toscana, Provincia di Trento, Abruzzo at Liguria, na mula sa zona gialla ay magiging zona arancione, kung saan makakasama ang mga rehiyon ng Umbria at PA di Bolzano.
Samantala, ang Sicilia naman, mula zona arancione ay magiging zona gialla.
Zona rossa naman ang mga sumusunod na lugar:
- Chiusi at Sansepolcro (Toscana)
- Pescara at Chieti (Abruzzo)
Samantala, ang Sardegna at Val d’Aosta ay mayroong mga datos para mapabilang sa zona bianca. Gayunpaman, ang pipirmahang ordinansa ni Health Minister Roberto Speranza sa mga susunod na oras ang magbibigay kumpirmasyon sa mga kulay ng rehiyon na magsisimula sa linggo, February 14, 2021.
Rt Index tumaas
Ayon sa ulat, 9 ang mga rehiyon at PA ang may Rt index na mas mataas sa 1, na pamantayang binabantayan ng awtoridad.
Ang Rt index ang nagsasabi ng average na bilang ng mga tao na maaaring mahawahan ng 1 solong tao, sa itinakdang panahon. Kaya kung ang Rt ay 2, ito ay nangangahulugan na ang bawat 1 nahawahan, ay makakahawa ng 2 katao at ang 2 taong ito ay makakahawa pa ulit ng dalawa katao. Ito ang dahilan kung bakit binabantayan ang pananatili ng Rt index na mas mababa o hanggang 1.
Ang Rt index sa bawat rehiyon
Abruzzo 1.22
Basilicata 1.2
Calabria 0.81
Campania 0.8
E-R 0.94
FVG 0.98
Lazio 0.96
Liguria 1.08
Lombardia 0.97
Marche 0.94
Molise 1.09
Piemonte 0.93
PA Bolzano 1.25
PA Trento 1.2
Puglia 1.05
Sardegna 0.87
Sicilia 0.66
Toscana 1.1
Umbria 1.2
Valle d’Aosta 0.77
Veneto 0.71.
Basahin din:
(PGA)