in

Transmissibility index (Rt), naitala ang bahagyang pagtaas 

Naitala ang bahagyang pagtaas ng transmissibility index o Rt ng Covid sa Italya. Mula 0.75 noong nakaraang linggo ay tumaas sa 0.84. Tumataas din ang incidence ng mga kaso ng Covid at kasalukuyang nasa 510 bawat 100,000 residente kumpara sa 433 noong nakaraang linggo. 

Ang datos ay mula sa weekly monitoring na ginagawa ng ISS o Istituto Superiore di Sanità at ng Ministry of Health. Sa katunayan, limang rehiyon ang nasa moderate risk at malaki ang posibilidad na maging high risk. 

Noong nakaraang linggo ang lahat ng mga Rehiyon at Autonomous Provinces ay nasa low risk. 

Sa katunayan, ayon sa Gimbe Foundatin, sa loob ng 7 hanggang 10 araw ay maiintindihan kung ang pagtaas ay normal lamang o hatid ng bagong wave. 

4.6 milyon, wala pang bakuna kontra Covid 19 sa Italya 

Kaugnay nito, tinatayang aabot sa 4,641,064 ang mga over 5 yrs old ang wala pang bakuna kontra Covid 19, kahit isang dosis. Ang mga over 50s ay tinatayang aabot sa 1,230,064. Ang pinaka malaking bahagi ay ang mula 5 hanggang 11 anyos, 1.5 milyon ang hindi bakunado. Sa katunayan ay nagtala ng pagbagal sa vaccination campaign at sa huling linggo ay naitala lamang ang 479,134. Sa mga nagdaang buwan, pumalo sa 500,00 ang bakuna sa araw-araw.

Sa kabuuan, 49.5 milyon katao o ang 83.6% ng populasyon ang bakunado sa Italya at 38 milyon nito (o 64.2% ng populasyon) ang nakatanggap na ng third dose. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

bakuna laban covid19 Ako Ay Pilipino

Multa sa mga over50s na lumabag sa mandatory Covid vaccination, inihahanda na! 

Aplikasyon ng mga Ukrainians, bibigyang prayoridad sa Regularization 2020