in

Transportasyon sa VII World Meeting of Families

Mahahalagang impormasyon ukol sa transportasyon,toll free number at maxi screen sa pagdiriwang ng VII World Meeting of Families sa Milan.

altRome, Hunyo 1, 2012 – Mananatiling bukas ng buong magdamag, ang M1 at M3 sa pagitan ng hatinggabi ng sabato at linggo, para sa mas madaling tranportasyon ng mga pilgrims sa Milan. Nananawagan din ang mga organizers sa mga taga-Milans,  na gamitin din ang mga public buses bukod sa subway at magtungo sa event location bago pa man sumapit ang ika-6 ng umaga ng araw ng linggo.

Ngayong araw na ito, Biyernes sa ganap na ika-4 ng hapon ay isasara ang istasyon ng Duomo M1 at M3, para sa seguridad ng pagdating ng Papa. Samantala, mananatiling bukas ang M1 at M3 ng buong hatinggabi ng sabado at linggo.

Ang M2 ay magsisimula ang serbisyo sa publiko mula sa ganap na ika-5 ng umaga ng araw ng linggo. Samantala, magsisimula naman ang mga bus papunta sa location ng pagdiriwang, simula sa ganap na ika-4 at kalahati ng umaga ng araw ng linggo. Ang TreNord ay magsisimula ng serbisyo sa publiko sa ganap na ika-4 ng umaga papuntang stasyon ng Affori Nord at Sesto FS.

Ipinapayo rin na sundin ang mga indikasyon buhat sa Fondazione Family.

Samantala sa mga lugar ng pagtitipon, simula biyernes ng hapon mula Linate hanggang Piazza Duomo, at sa sabado ng umaga mula Arcivescovado hanggang San Siro ay maaaring magkaroon ng mga pagbabago, pagbabawal sa parking at maging pagsasara sa kahit na anong uri ng sasakyan.

Upang mapanatili naman ang kaayusan at kapayapaan ng pagdiriwang, mayroong 1.750 agents ang magmo-monitor ng mga operasyon: higit sa 600 sa araw ng biyernes at ilang daaang karagdagan para sa mga araw ng sabado at linggo.

Higit sa 200 boluntaryo ng Civil Protection sa sabado ng umaga sa Meazza stadium kung saan makakapiling ng Papa ang mga magku kumpil at sa araw ng linggo naman sa mga stasyon ng subway, parking space upang salubungin at magbigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa pagdiriwang.

Ipinapaalam sa lahat na ang toll free number 800368636 ay maaaring magbigay ng mabilisang impormasyon sa mga pilgrims ukol sa road system and condition sa mga araw ng pagdiriwang.

Samantala, sa buong maghapon ng araw ng linggo, June 3 ay napagkasunduan ang fix amount ng mga taxi mula sa Central station hanggang sa Via XX Settembre Bresso ng 12 euros.

Maxi screen sa Piazza San Fedele

Ang Comune di Milano ay naghanda ng maxi-screen sa Piazza San Fedele upang masubaybayan ang pagdiriwang.

Sa paghihintay sa pagdating ng Papa ay mapapanood  ang iba’t ibang video ukol sa storya, kultura ng siyudad “Milano Capitale dell’Impero – la città Romana e Paleocristiana”; “Welcome to Milano” e “Milano Creative City” – na pawang maglalarawan sa mga pamilya na matatagpuan sa iba’t ibang museo ng lungsod.

Simula alas 5 hanggang alas 6 ng hapon ay mapapanood sa maxi screen ang live na pagdating ng Papa sa Linate, ang pagsakay nito sa Popemobile hanggang sa Piazza Duomo, maging ang pagbati ni Mayor Pisapia at ni Archbishop Scola.

Simula alas 7.40 naman ay mapapanood ang live concert sa Teatro alla Scala kung saan ang Papa ay tutunghayan ang Symphony n. 9 ni Beethoven ni Daniel Barenboim.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Corona, hindi na aapela sa Korte Suprema

Hipotesis ng isang moratorium sa mga permit to stay sa Emilia