in

Trattati di Roma, gugunitain ang ika-60 taon sa March 25

Sa Sabado, March 25 ay ipagdiriwang ang ika-60 anibersaryo ng makasaysayang pagpirma sa European Union. Ang official ceremony ay gaganapin sa Campidoglio ng alas 10 ng umaga kung saan inaasahang dadalo ang halos 40 political leaders. Kasabay nito ang kabi-kabilang rally sa buong lungsod.

 

 

Roma, Marso 21, 2017 – Sa Sabado, March 25, ay ipagdiriwang ng Europa ang ika-60 taon ng makasaysayang pirma ng Trattati di Roma o ang Treaty of Rome na opisyal na nagtalaga sa Treaty European Economic Community (TEEC). Ito ay ang kasunduang internasyunal na lumikha sa European Economic Community (EEC), mas kilala sa European Communities (EC) na pinirmahan noong March 25, 1957 ng mga bansang Belgium, France, Italy, Luxembourg, Netherlands at West Germany. Ito ay naging epektibo noong January 1, 1958 at nananatiling isa sa dalawang pinaka mahalagang kasunduan ng modernong-panahon na European Union (EU).

Sa nabanggit na okasyon ay inaasahang ang pagdalo ng halos 40 mga opisyal kabilang ang mga head of states at EU officials. Hindi rin mawawala ang protesta ng mga Eurostop antagonists. Sa katunayan, ay sabayan ang paghahanda ng iba’t ibang mga kaganapan at demonstrations na pabor at laban sa Europa.

Kaugnay nito, ang Questura di Roma ay lumikha ng tinatawag na security plan o ‘piano di sicurezza’ at pinangalanang ‘imponente’: partikular dalawang lugar ang matinding gwardiyado sa sentro, halos 40 na isinarang mga kalsada, nagkalat ang mga video surveillance, 3000 municipal agents,  mga sharpshooters sa piling mga gusali, bomb squad, pagbabawal ng helmet at paggamit ng paputok sa mga nagpo-protesta.

Dalawa ang security zone – Ang official ceremony ay gaganapin sa Campidoglio ng alas 10 ng umaga. Ang lugar sa paligid ng Campidoglio ay tinawag na “blue zone”: ito ay ang red zone na may maximum security alert na tinawag na lamang na blue katulad ng kulay ng bandera ng European Union. 

Ang blue zone ay nagsimula sa Via Petroselli hanggang via del Plebiscito at via IV Novembre, kasama dito ang Campidoglio, piazza Venezia at Fori Imperiali. Ilan sa mga lugar na nabanggit ay may bantay na Biyernes pa lamang at ito ay isasara sa pagasapit ng hatinggabi.

Mayroon ding “green zone”: na sumasaklaw sa lugar mula sa Piazza Venezia hanggang sa Via del Tritone, kabilang ang Quirinale, Prefettura at Via del Corso. Mayroon 18 access gate, may pulis para sa kontrol, aktibo mula alas 6 ng March 25. Dito ay bawal ang mga nagpo-protesta. Sarado na rin sa publiko at mga sasakyan mula alas 7 ng umaga ng sabado maliban sa mga mayroong pahintulot. 

Sa dalawang zone na nabanggit at sa mga lugar kung saan may pahintulot ang mga raliyista, ay nagkagay ng 100 video surveillance mula Huwebes, March 23 at katulad noong Jubilee ay no fly zone ang sentro. 

Sa March 25 ay isasara rin ang mag pangunahing monument at archeological sites tulad ng Colosseum, Foro Romano, Palatino at Domus Aurea. Inaasahan rin ang pagsasara ng ilang paaralan sa lugar. 

Kasabay ng pagdiriwang ay simultaneous ang anim na protesta at ilang sit-in. Ang pinaka malaki ay ang Eurostop kung saan kasapi ang ilang grupo tulad ng No Tav, Cobas at Comunisti. Inaasahan din ang pagdating ng mga raliyista mula sa iba’t ibang bahagi ng Europa tulad ng France, Germany at Greece. At pinangangambahan na sa 8,000 raliyista ay makasingit ang blak bloc, dahilan ng pagbabawal ng helmet at anumang magagamit sa pagtatakip sa ulo at ang paggamit ng paputok at kasabay ang manual control sa mga bags at zaino. Ang corteo ng Eurostop ay magmumula sa porta san Paolo ng alas 2, dadaan sa Bocca della Verità, via Marmorata, Luca Robbia at Lungotevere Aventino. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto flussi 2017, simula ng click day ngayong araw

Ang mga itinalagang bilang ng Decreto Flussi 2017