in

Trattati di Roma, narito ang mga lugar na pansamantalang sarado sa trapiko

Para sa kapakanan ng mga mamamayan na maaapektuhan ng pagdiriwang ay naglaan ang Questura di Roma ng tila vademecum na matatagpuan sa website nito at sa social network. Narito ang mga isinarang kalye sa trapiko, maging ang mga bus na pansamantalang nabago ang mga ruta.

 

Marso 24, 2017 – Ang eternal city ay kasalukutang sumasailalim sa level 2 red alert para sa preparasyon hanggang sa selebrasyon ng ika-60 taong anibersaryo ng tinatawag na ‘Trattati di Roma’. Bukod sa opisyal na seremonya kung saan inaasahan ang pagdalo ang head of states at goverments ng 27 European countries ay inaasahan rin ang anim na iba’t ibang  protesta kung saan ang Eurostop ang pinanganganbahan. Ang sentro ay ‘blindato’ o mahigpit na babantayan at hihigpitan ng libu-libong mga pulis (polizia di stato, carabinieri, mucipale) at mga militar, mga istasyon ng metro ay pansamantalng sarado, detour ang mga bus at off limits sa mga pribadong sasakyan at ban ang ilang mga kalye.  

Para sa kapakanan ng mga mamamayan na maaapektuhan ng pagdiriwang ay mayroong vademecum na inilaan ang Questura di Roma na matatagpuan sa website nito at sa social network. Layuning sa isang click ay maipakita ang mga isinarang kalye sa trapiko, maging ang mga bus na pansamantalang nabago ang mga ruta. 

Gayunpaman, ngayong araw, Biyernes March 24, sa zona blue at verde sa Campidoglio, via Nazionale, piazza della Repubblica, via Barberini, via Bissolati at via del Corso ay bukas at walang isasarang istasyon ng metro, shops at paaralan. Upang matiyak ang seguridad ng lahat, ang mga nabanggit na lugar ay mahigpit na dadaan sa kontrol ng mga pulis. 

Ang Campidoglio area lamang, mula 12:30 am (hanggang alas 2) at Quirinale area mula alas 7 ng umaga (hanggang alas 3) ng March 25 ay isasara at sarado sa mga sasakyan at mamayan, na walang awtorisasyon maliban sa mga residente at mga kasama sa preparasyon at okasyon. Inaasahan ang kolaborasyon ng mga mamamayan sa paghihigpit sa mga mayroong awtorisasyon. 

Ang mga bus stops at last stops, mula alas 12.30 ng hatinggabi hanggang alas 2 ng tanghali ng march 25, sa zona blue at green at pansamantalang tinaggal. 

Ang Colosseo station ng Metro B, Barberini at Spagna ng Metro A, ay sarado mula sa huling biyahe ng March 24 hanggang sa maghapon ng March 25. 

Samantala, mula alas 7 ng gabi ngayong araw, para sa seguridad ng lahat, ay ipinagbabawal ang parking ng mga sasakyan at motor sa dadaanan ng Eurostop. Kahit mga basurahan ay pansamantalng tatanggalin. Ito ay ang Piazzale Ostiense, via Marmorata, piazza dell’Emporio, lungotevere Aventino, piazza Bocca della Verità. Ang nabanggit ay pati na rin sa Campidoglio area. 

Ang mga archeological sites na saradao sa March 25 ay ang sumusunod: 

  • Foro romano;
  • foro Palatino;
  • fori Imperiali;
  • foro Traiano;
  • Mercati di Traiano;
  • Teatro Marcello (limitatamente all’accesso di via del Teatro di Marcello);
  • Anfiteatro Flavio (Colosseo);
  • Domus Aurea;
  • Domus Romane;
  • Musei Capitolini;
  • Complesso del Vittoriano;
  • Scuderie del Quirinale.

Gayunpaman pinapaalalahanan ang lahat na hangga’t maaari ay ipagpapaliban ang anumang lakad sa araw ng sabado.

Para sa higit na impormasyon, kumonsulta sa website ng Questura di Roma at social network. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy Runners lumahok sa taunang Stramilano

Pastoral visit ng Santo Padre sa Milan, dinaluhan ng higit sa isang milyong katao