in

Travel ban sa 3 bansa, pinalawig ng Italya hanggang June 21

Travel ban sa mga bansang India, Bangladesh at Sri Lanka, ipinatutupad sa Italya

Pinalawig ng Italya ang travel ban sa 3 bansa hanggang June 21, 2021.

Ito ay matapos pirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang ordinansa na nagpapalawig ng pagbabawal makapasok sa Italya ang sinumang magmumula sa mga bansang India, Bangladesh at Sri Lanka.

Tanging ang mga mayroong italian citizenship lamang ang pinapahintulutang makapasok sa Italya. 

Ang nasabing travel restriction ay simulang ipinatupad noong Abril at inaasahang magtatapos sana sa nalalapit na linggo.

Ang B.1.617 variant ay unang natagpuan sa India at pinaniniwalaan ng mga eksperto na ito ang dahilan ng record-surge sa India at ilang bansa sa Asia. Ayon sa World Health Organization (WHO) ang indian Covid-19 variant ay natagpuan na sa 44 na bansa sa buong mundo nitong kalahatian ng buwan ng Mayo.

Ukol dito, nagpahayag ng lubos na pangamba ang mga permesso di soggiorno holders na mga Bangladeshis sa panganib na hindi na muling makabalik pa sa Italya. Sa katunayan ay nananawagan ang halos 3,000 mga Bangladeshis na umuwi sa Bangladesh bago pa mag-Pasko. Ang mga dayuhan ay nagta-trabaho sa Italya at kinakailangang makabalik dito para sa renewal ng kanilang mga permesso di soggiorno na nalalapit na ang expiration. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

bakuna laban covid19 Ako Ay Pilipino

Sinovac, may emergency approval na mula sa WHO

Hindi gumawa ng Dichiarazione dei Redditi, mamumultahan ba ang colf?