Bukod sa bansang India ay ipinatutupad na din ang travel ban sa mga bansang Bangladesh at SriLanka matapos pirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang bagong ordinansa sa dalawang magkasunod na araw na nagpapalawig sa travel ban kahit sa mga manggagaling sa dalawang nabanggit na bansa.
Ang pagbabalik sa Italya mula sa mga bansang India, Bangladesh at Sri Lanka ay pinapahintulutan lamang sa mga mayroong italian citizenship.
Bukod dito, dahil na rin sa patuloy na paglala ng sitwasyon sa mga nasabing bansa at pagkalat ng bagong india variant, ay binabantayan din ang mandatory quarantine ng mga unang pinahintulutang makabalik sa bansa na residente sa Italya.
Kahapon, 23 katao ng 213 pasahero mula sa New Delhi na dumating sa Roma ang nag-positibo sa covid19.
Sa nasabing ordinansa ay nasasaad din ang pagpapalawig ng 15 araw ng preventive measures sa mga darating mula sa ibang bansa sa Europa. (PGA)