in

Trevi fountain, may controlled access na!

Sinimulan kamakailan ang experimental period sa pagkakaroon ng “path of controlled transit” ang Fontana di Trevi sa Roma. Isang ordinansa ng Campodoglio noong Hunyo ang nagbabawal sa pagtatambay at pagdudumi sa mga historical fountains ng eternal city.

 

Hulyo 27, 2017 – Nagsimula noong July 25  ang experimental period sa pagkakaroon ng “path of controlled transit” para sa mga turistang bumibisita sa Fontana di Trevi sa Roma. 

Sa tulong ng dalawang asosasyon ng mga boluntaryo na syang mag-aasiste sa mga turista ay inaasahang mapapanatili ang kaayusan at kalinisan sa nasabing tourist spot. Ito ay magtatagal ng 80 araw at sisimulan mula alas 9 ng umaga hanggang alas dose ng hatinggabi

Matatandaang isang ordinansa ng Campodoglio na pirmado ni Mayor Virginia Raggi noong Hunyo ang nagbabawal sa pagkain, pagbabasa ng kamay o paa (at kahit ang paliligo), pag-upo sa bahaging marmol ng mga historical fountains ng eternal city.  Sa sinumang lalabag, ay isang mapait na multa mula 40 hanggang 240 euros. 

Partikular, ang ordinansa ay ipatutupad hanggang October 31, 2017. Kabilang sa ipinagbabawal ay ang pagtatambay (pag-upo kung saan maaari) pagkakalat at pagsusulat, at taliwas na paggamit sa mga public properties tulad ng pagkain at pag-inom sa lugar, paghahagis ng kung anu-anong mga bagay sa fountain bukod sa coins, paghuhugas ng kamay, paa at kahit ang paliligo, pag-papainom sa alagang hayup at ang pagpapaligo sa mga ito. 

Kabilang sa mga fountains na apektado ng ordinansa: 

  • fontana di Trevi, 
  • le fontane dei Leoni, del Nettuno e della Dea Roma a piazza del Popolo, 
  • la fontana della Barcaccia a piazza di Spagna, 
  • le fontane dei Quattro fiumi, del Moro e del Nettuno a piazza Navona, 
  • la fontana dei Catecumeni in piazza della Madonna dei Monti, 
  • la fontana di Piazza Santa Maria in Trastevere, 
  • la fontana del Tritone a piazza Barberini, 
  • la fontana della Navicella, 
  • le fontane dei Due Mari a piazza Venezia, 
  • la fontana in Piazza dell’Aracoeli, 
  • la fontana delle Naiadi a piazza della Repubblica, 
  • la fontana di piazza di Campo dè Fiori, 
  • fontana della Dea Roma in piazza del Campidoglio e 
  • la fontana dell’Acqua Paola in via Garibaldi.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tips upang maiwasan ang pag-aaksaya ng tubig, narito ang mga tips

Bilang ng mga mga-aaral na dayuhan sa Italya, ayon sa MIUR