in

Turismo, kulang ang mga manggagawa sa Italya 

Ang init na dala ng summer season ay simula din ng pagbabalik ng sigla sa sektor ng turismo sa bansa. Ang mga hungkag na mga tourist spots sa loob ng dalawang taon ay hindi na muli mahulugang karayom na tila tapos na ang pandemya. Punuan na muli ang mga hotels at mga B&Bs pati na rin ang mga restaurants, pubs at bar. 

Kasabay ng muling pagbangong ito ng sektor ay naitala naman ang kakulangan sa mga manggagawa sa sektor. Sa katunayan, kinumpirma ni Tourism Minister Massimo Garavaglia ang deficit sa sektor ng tinatayang 300 – 350 libong manggagawa. Bagay na kanyang ipinagtataka dahil sa mataas na bilang ng mga nakatalang walang trabaho sa bansa.

Kaugnay nito, kasama si Labor Minister Andrea Orlando at mga operators sa sektor ay agarang nagpulong upang malutas ang problema ng kakulangan sa mga manggagawa. Ilan sa mga tinalakay ay ang:

  • Baguhin ang sistema ng Reddito di Cittadinanza dahil ang mga tumatanggap ng benepisyo sa kawalan ng trabaho ay mas pinipili ang tanggihan ang trabaho at magpatuloy tumanggap ng benepisyo.
  • Pagbubukas muli ng Decreto Flussi o ang regular na pagpapapasok sa bansa ng mga dayuhang manggagawa.
  • Paggamit ng voucher. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 3.7]

Halaga ng kontribusyon 2021 Ako Ay Pilipino

€200 bonus, requirement at aplikasyon sa domestic job 

decreto-flussi-ako-ay-pilipino

Paano gagawin ang cambio di residenza online?