Nakatakdang magkaroon ng bumper year ang Italy sa turismo ngayong 2023 at magtatala ng record na higit sa 442M overnight stay sa mga tourist accommodation. Ito ang inulat ng Ansa, batay sa isang pag-aaral na inilahad noong nakaraang Huwebes ng Demoskopika Market-Research Institute. Ito ay mas mataas ng 12.2% kumpara noong 2022 at higit sa lahat, ang pinakamataas na naitala hanggang sa kasalukuyan.
Batay sa pag-aaral ng institusyon tinatayang papalo sa 127M ang mga arrivals. Ito ay mas mataas ng 11.2% noong nakaraang taon. Bagaman hindi pa nalalampasan ang pre-Covid levels, ito ay ang ikatlo sa pinakamataas na naitala – noong 2019 ay naitala ang 131M at noong 2018 ay naitala ang 128M
Ang turismo ay inaahasang maghahatid ng business sa bansa ng humigit-kumulang na 89B euros sa taong 2023. Ito ay higit ng 22.8% kumparanoong 2022.
Samakatwid, isang magandang senyales ng muling paglago ng turismo sa Italya ang taong 2023. (PGA)