Loy: Expulsion, maaaring ipataw sa mga migrante. Pamahalaan, dapat makahanap ng legal na solusyon
OK sa bagong dekreto, ngunit ang pamahalaan ay dapat makahanap ng isang paraan upang hindi na puwersahing pauwiin ang mga manggagawang nandirito na sa Italya. “
Ayon ito kay Guglielmo Loy, kalihim ng labor union UIL na nagpahayag ng kanyang opinyon para sa bagong direct hiring, dahil magmula noong nakaraang 2007, walang paraan upang pumasok ng regular sa Italy para sa trabaho at dahil nasa panahon ng krisis mas malakas ang loob upang makipagsapalaran.
Subalit, may isang karaniwang problema. Sa paraang DAPAT, ang mga manggagawa mula sa ibang bansa ang tinatawag upang magtrabaho sa Italya sa mga pabrika at sa mga pamilya. SaTUNAY NA REALIDAD, nararapat na gawing regular ang mga migranteng manggagawa na kasalukuyang nandirito na sa Italya at walang sapat na dokumentasyon sa pananatili o permit to stay.
‘Kung ang mga kumpanya at mga pamilya ay palaring makakuha ng pahintulot, ang mga manggagawa, ay nararapat na bumalik sa kanilang bansa,” sabi pa ni Loy, tinutukoy niya ang paguwi at pagkuha ng working visa. ‘Ngunit bago pa man kunin ang visa, ang mga manggagawa, para sa batas ay iligal ang pananatili sa Italya, kaya’t mapanganib ang kanilang pagdaan sa airport at may posibilidad na sila ay mapadeport’.
“Hinihiling namin, sa pamahalaan – dagdag pa ng unyon – ang isang bagay na hiningi namin sa nakaraang Executive: makahanap ng isang legal na mekanismo na magbibigay daan sa mga manggagawa na hindi na mapilitang bumalik pa ng sariling bansa upang maiwasan ang mahigpit na pagsubok ng pagiging iligal na lalabas ng Italya.
Ang “legal mechanism” upang mapagbigyan ang kahilingang ito ay isang totoong regularisasyon. Ang pamahalaan, sa ngayon, ay tila handa lamang sa isang pekeng regularisasyon sa pagpasok ng dekreto.