Tinanggal na ang precautionary quarantine para sa mga Euroepans at Americans na magpupunta sa UK, sa kundisyong nakatanggap na ng dalawang dosis ng bakuna kontra Covid19 sa country of origin.
Ito ay sa kabila ng mga protesta ng oposisyon, na patuloy na nag-aalala sa pagkalat ng Delta variant, na bumababa na nitong nakaraang linggo.
Kaugnay nito, ang mga nakatanggap din ng dalawang dosis ng bakuna kontra Covid19 sa UK ay exempted na din sa quarantine sa 19 na bansa ng EU, ngunit hindi kasama dito ang Italya na may exemption lamang sa iilang kaso.